Dahil wala na akong magawa kanina, naisip kong mangstalk ng mga blog. Nagkaroon ako ng Tumblr account nuon, at medyo marami na rin akong followers dun, kaso dineactivate ko na kasi wala na siyang kwenta, puro reblogs na lang yung laman. Then, naalala ko yung mga blog ng mga iniistalk ko dati, so binisita ko sila. Tinignan ko yung blog ng isa kong kaibigan. Okay naman sa una yung mga posts niya, hanggang nabasa ko na yung mga blogs niya last year. May isang post, tungkol sakin. Nasaktan ko na pala siya, di ko alam. Ni di ko man lang naramdaman. Ang masakit pa, parang okay lang siya pag kinakausap ko siya, nakikipagtawanan pa siya sakin nuon. Di ko alam na grabe na pala yung hinanakit niya sakin. Pootsa. Bakit di ko man lang napansin ? Bakit ang manhid ko ?
Alam kong medyo late na to, pero sorry. SORRY. Di ko sinasadyang saktan ka. Kung kaya ko lang sabihin ng personal yan, sasabihin ko sayo. Pero ngayong nalaman kong nasaktan pala kita, parang di na kita kayang harapin. Ang hirap isipin na nginingitian mo pa rin ako hanggang ngayon kahit nasaktan kita ng di sinasadya nuon. Sorry. Sorry talaga. Alam kong di nyan maaalis yung mga hinanakit mo sakin, gusto ko lang malaman mo na nakokonsensya akong nasaktan kita.
Alam mo na kung sino ka, at alam kong mababasa mo rin to.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment