Blogger Template by Blogcrowds

"Hoy Epper. Pahi-pahinga rin. Wag puro aral kahit I doubt na nag-aaral ka talaga. Nyahaha. Uminom ng Biogesic at wag puro kape. Nyahaha. Ingat! :)"


Yan yung huling sinabi sakin ng best friend ko bago siya bumyahe pabalik ng Pilipinas. Kahapon nga dapat yung dating niya eh. Siguro ngayon, nandito sa bahay yun. Siguro ngayon, kinukulit na ko nun na gumala. Siguro ngayon, ang saya saya namin. Siguro ngayon, kasama ko siya. 

Parang ayoko pa rin maniwala. Sarado pa rin yung isip ko. Ayokong maniwala sa sinasabi nila na wala ka na talaga. Na hindi ka na babalik. Na hindi na kita makikita ulit. Ayoko. Hindi ko pa rin kasi matanggap eh. Bakit kasi ang bilis ng mga nangyari. Bakit ka kasi kinuha kaagad samin? 

Seven years. Seven years mo akong pinasaya, pinatawa, inalagaan, dinamayan, sinamahang harapin ang buhay, minahal. Seven years yun. Kaya hindi madali saking tanggapin na wala ka na talaga eh. Kasi di naman pumasok sa isip ko na mawawala ka talaga sakin. Kasi sabi mo, di mo ko iiwan. Na kahit talikuran na ako ng mundo, sasamahan mo pa rin ako. Na kahit ayawan na nila ako lahat, di ka pa rin bibitaw. Na kahit lahat sila hindi na ako paniwalaan, maniniwala ka pa rin sakin. 

Sabi mo, wala kang gagawing kahit anong dahilan para paiyakin ako. Adik ka ! Binigay mo yung pinakamasakit, yung pinakamabigat na rason ng pag-iyak ko eh. Madaya ka eh. Sabi mo di mo ko iiwan eh. Walang iwanan, di ba ? Bakit ang aga mo naman umalis. Bakit napakabiglaan naman. Hindi pa ako ready ! Hindi ko napaghandaan yung ganitong pangyayari. Kasi naman eh. Hindi ko matranslate sa salita yung sakit na binigay mo. Hirap na hirap ako, iniisip ko pa lang na wala ka na. Pangalawang araw pa lang to, nangungulila na ko sayo. Hay, Lord. 

Pero tuloy lang ang buhay. Tama na ang pag-iyak. Alam kong ayaw mo akong umiiyak. Kasi sabi mo nuon, ayaw mo akong nakikitang mahina. Sa pagkakataong to, susubukan kong sundin yung gusto mo. Alam kong bihira kitang sundin, pero ngayon, susubukan kong gawin yun. Susubukan kong hindi umiyak tuwing naaalala at namimiss kita. Kung paano, hindi ko alam. Basta umasa ka, hindi na ko magiging mahina. 

Walang papalit sayo sa buhay ko. Hinding hindi ka mapapalitan ng kahit sino. Alam kong seloso ka eh. Haha. Sayo pa rin yung titulo na "Bestest Best Friend" sa buhay ko. "Bestest", kasi you're better than the best. Ikaw at ikaw lang ang pinakamatalik kong kaibigan. 

Matagal pa bago tayo ulit magkikita. Excited ka kasi, kaya nauna ka dyan eh. Hahaha. Paki-bantayan na lang ako ha. Alam ko namang kahit kasama mo na Siya, di mo pa rin ako papabayaan. Kahit malaki na ang pagitan ng mga mundo natin ngayon, alam kong di mo pa rin ako iiwanan. Kasi nga, walang iwanan di ba ? :) 

O. Eto yung kanta mo sakin. Tuwing naririnig ko to, humahagulgol ako. Pero ngayon, maiyak man ako, ngingiti ako. Promise :) 


"Kumapit ka lang sakin Epper, di kita bibitawan, pangako." - Troy :C

1 comments:

Letsugas epper. Wanya ang iyak ko. bungad pa lang. :((

5 August 2012 at 16:04  

Newer Post Older Post Home