Habang nag-aayos ako ng gamit ko kanina (WOW, NAG-AAYOS AKO NG GAMIT ! :D), may nakita akong mga crumpled paper. Binuklat ko isa isa at nakita ko yung mga kalokohan ko nung last year lang. Mga rants, lyrics ng kanta, kabwisitan sa buhay, lahat-lahat. Pero may isang papel na sobrang natatawa ako nung nakita ko. Eto yung mga panahong grabe yung pagkabaliw pag-aadmire ko sa isang lalaki, na umabot na nga tuluyan na kong nahulog at minahal siya. Feeling ko, kilala niyo na siya. Hahaha. Gumawa ako ng sulat para sa kanya nun. Sulat-sulatan lang, kasi wala naman talaga akong balak ibigay yun sa kanya. Hahaha. Eto yung laman ng sulat:
November 15, 2011
Dear Tooot,
O, ginawan kita ng sulat. Wag kang mag-alala, di mo naman to mababasa. Hahaha. Hay. Alam mo ba, kalahating taon na kitang pinapantasya. Oo, pinapantasya, kasi hindi na lang kita crush eh. Kung pakikinggan mo nga yung tunog ng puso ko, maririnig mo pangalan mo eh. Hahaha. Habang tumatagal, lumalala na ko. Para kang yosi eh. Nakakaadik. Hahaha. Sa tingin ko, hindi naman ako magkakaganito kung di mo na lang rin ako pinansin eh. Kaso, bakit mo nga ba ako pinapansin ? Bakit mo ako pinapakilig ? Bakit mo pa kasi ako inaabakyan ? Bakit mo pa nirereplyan yung mga text ko ? Bakit ang sweet sweet mo pag katext kita ? Naguguluhan na kasi ako eh. Di ko alam kung may nararamdaman ka rin ba sakin o sadyang ganyan ka lang talaga. Ang hirap ! Hulog na hulog na ko sayo oh. Sabi ko nga, mahal na kita eh. At kahit thank you na may smiley lang ang nirereply mo sakin, okay na eh. Kasi kahit sabihin kong hindi ako umaasa, lolokohin ko lang sarili ko eh. Umaasa ako. Asang-asa, kung alam mo lang. Umaasa ako na may matatanggap na I love you too galing sayo. Kahit parang ang labo-labo. Kasi parang ang layo-layo ko pa rin sayo. Hindi naman ako napapagod mahalin ka eh. Napapagod akong umasa. Baka kasi wala ring patunguhan tong kagagahan ko. Baka niloloko ko lang sarili ko. Kaya diretsuhin mo na ako. Para kahit mahirap, makabangon na ko sa pagkakahulog ko. Medyo malayo pa yung aakyatin ko eh. Ang lalim kaya ng kinahulugan ko. Pero sa ngayon, alam kong di mo naman mababasa to, never say never pa rin ang drama ko. Sabi ng signs ko, magiging tayo raw. Naniniwala ako, kaya di ako titigil hangga't di mo sinasabing tumigil ako. Mamahalin kita ng mamahalin, bahala ka dyan. Hahaha.
Note: Tinago ko na yung pangalan niya dito. Sa sulat, buong pangalan pa niya nakalagay. Hahaha.
Walangya. Di na tumigil tawa ko. Hahaha. Napakadesperada ko pala nun. Buti na lang di mo nabasa to nuon. Buti na lang din, napunit ko na to sa likod ng notebook ko at walang nakakita nuon. Buti na lang talaga. Hahaha.
Naisip kong ipost to dahil special ang araw ko bukas na may kinalaman dito. Eksena lang. Hahaha :) Sorry, in love ako eh. Hahaha.
Labels: lovelife :)
0 comments:
Post a Comment