Hindi naman ako nag-expect ng magandang araw ngayon. Ginugulo pa rin kasi ako nung problema kong hanggang ngayon, di pa rin tapos. Isabay pa yung school works. Yay. Pero sabi nga nila, pag kasama mo yung mga taong special sayo, gagaan at gagaan ang pakiramdam mo.
School works muna. Okay naman ang first period. Napilitang magrecite dahil gusto ng tropa ko na lahat kami magrecite. GC daw eh. Okay lang naman sakin, grade yun eh. Kaso ang di okay, yung pagtayo sa harap. Parang may fear na ko dun. Parang stage fright, ganun. Pero ayos naman yung pagtayo ko sa harap ng klase. Kahit medyo kinakabahan dahil biglaan ang pagrecite at walang gaanong alam sa nirerecite, di naman ako nasita ng Prof. Ayos.
Second period. Eto yung malupit. Recitation ulit. Bunutan ng tanong. Grabe kaba ko nun. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Di ako nag-aral eh. Tatlong chapters kailangang aralin eh. Eh binasa ko lang. As in basa lang. Hindi ko inunawa. Asa lang sa stock knowledge. As if namang merong stock. Haha. Pero grabe, gusto ko ng iyakan yung magiging grade ko nun. So yun, nagsimula ng magrecitation. Inuna yung first row. Eh second row pa ko. Scan. Scan. Scan. Basa ng reviewer. Hanggang sa pinabunot na kami ng tanong. Dinasalan ko pa yung tanong ko nun. At pagkatawag sakin, nagsign of the cross bago buksan yung tanong ko. Pagkita ko sa tanong, yessssssss ! Alam ko yung sagot ! Hahaha. Although nagkulang ng isa, kasi enumerate chorva yung tanong ko, ayos na yung 90% na grade. Okay na yun, para sa taong di naman nag-aral. Haha. Pero, may pangit ding nangyari. Yung iba kong kaibigan na alam kong nag-aral, failed. Malungkot ako para sa kanila. Pero alam kong makakabawi sila. Matatalino yung mga yun. Kaya nilang bawiin yun.
Medyo relieved na. Nabawasan ng konti yung mga iniisip ko. Hanggang ayun. Balik ulit sa problema. At least ngayon, alam kong di na ako nag-iisa.
Akala ko mahirap mag-isip ng positive. Pero pag galing pala sa taong mahal mo yung positive thoughts, magiging positive din ang tingin mo sa problema. Kaya eto ngayon, positive ang aura ko. Hahaha.
Pinili kong aliwin ang sarili. Sa tingin ko naman, yun din yung gusto niyang gawin nun. Nag-mall kami. At nung bored na, dapat uuwi na kami, kaso dahil walang jeep na dumadaan, tinamad na kong umuwi. Naglibot pa kami. Nilakad namin mula V. Mapa hanggang Recto. Nakakapagod ! Di ko yun ginagawa normally, pero dahil siya naman ang kasama ko, okay lang ! Hahaha. Nung pagod na, pumasok kami sa isang mall at nag-videoke. Masaya. Parang wala kaming problema. Actually, wala naman talaga. Hahaha. Sana.
Medyo disappointed pa rin ako kasi wala pa rin siya. Although may solusyon na kung sakali, gusto ko pa ring umasang di na namin kailangang humantong sa solusyon na yun. Umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat. Magiging okay kami. Don't lose hope Epz ! :)
Labels: lovelife :), schedule, school
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment