Eto yung panahon na dapat nag-aaral ako. Kasi may quiz/recitation bukas sa isa kong major subject. Kaso wala yung isip ko sa utak ko. Alam kong hindi ako tinatamad. Gumawa nga ako ng reviewer eh. Pero ewan. Parang wala akong gustong gawin ngayon kundi umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang wala na akong maramdaman. Hanggang mamanhid ako, at mapagod. Ilang araw na rin akong ganito. Tuliro. Wala sa huwisyo. Nung isang araw nga, sumakay ako ng FX at pumunta ng Megamall ng hindi ko alam kung bakit. Saka ko lang nalaman na mali ako ng nasakyan nung nandun na ko sa mall. Sinita pa ko ng driver dahil nakalimutan ko magbayad. Wala. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magkakaganito.
Ang dami kong iniisip. Ang daming pumapasok sa isip ko. Puro negative. Pessimist kasi ako. Ang hirap mag-isip ng positive ngayong alam mong hindi malabong mangyari yung mga iniisip mo. At ngayon, lahat ng iniisip ko, yung mga kinatatakutan kong mangyari sakin ngayon. Ayoko. Kino-convince ko ang sarili ko na magiging okay ang lahat. Bukas, sa makalawa, mawawala rin lahat ito. Pero ang hirap. Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong mag-isip ng positive.
Hindi to wala lang. Alam kong normal na kong nagkakaganito. Pero alam kong, iba to. Kung sakali, magiging malaking problema to. Kaya ako natatakot. Kinakabahan. Nadedepress. Ayoko. Wag. Please. Hindi ako handa. Ayoko. Ayoko.
Tama na muna siguro. Kailangan ko ng magpahinga. Itutulog na lang muna to. Baka bukas, iba na yung mangyari. I still hope na bukas, okay na. Hindi naman nakakapagod magwish na magiging okay na ang lahat. Sana.
Labels: personal
0 comments:
Post a Comment