Pagdating sa friends, marami rin ako niyan. Although hindi ako ganun ka-friendly, marami pa ring gusto maging kaibigan ako. At yung ikukwento ko ngayon, tungkol sa aking mga friendssss.
Kung papapiliin, mas gusto kong kasama ang mga lalaki kaysa mga babae. Hindi dahil malandi ako o nagmamaganda, kaya mas gusto ko sila kasama kasi mas masaya ang trip nila. Mas nakakasakay ako sa mga trip nila, unlike sa mga babae na puro pag-aayos at lalaki ang pinag-uusapan. Meron naman akong mga kaibigang babae, at close din ako sa kanila. Pero, mas close ako sa mga kaibigan kong lalaki. Solid kami eh. Maglilimang taon ko na rin silang tropa. Sabi sayo solid kami eh.
Sila yung POGItos. Ako lang yung nagbigay ng pangalan na yan kasi wala naman silang pangalan. Kaya sila POGitos, dahil tingin nila sa sarili nila, ANG GAGWAPO NILA. Although, medyo totoo naman, pero masyado kasi nilang dinadamdam. Hahaha. Tapos, samin, ako lang yung babae. Parang Boys Over Flowers lang ang peg di ba ? Hahaha. Pero di rin, kasi nga, one of the boys ako pag kasama ko sila. Lahat ng ginagawa nila, ginagawa ko rin. Kaya ako natutong magbisyo dahil sa kanila. Kasi nga one of the boys ako. Hahaha. Pero ang iba lang, bini-baby nila ako. Dahil nga ako lang ang babae, ako yung parang lumalabas na bunso. Nai-spoiled nila ako. Tuwing may galaan kami, lahat, as in LAHAT ng gastos ko, sagot nila. Libre lahat. Yun yung masaya talaga. Hahaha. Hindi ko sila nirerequire na ilibre ako, ibili ako ng ganito, ganyan, kasi nagkukusa na sila, palibhasa mga anak ni Mayor ang datingan nila eh. Hahaha. Pero di nagtagal, nakakahiya na syempre. Hindi naman ganun kakapal yung mukha ko eh. Atsaka may pera naman akong panggastos, pero ewan. Gusto nila yun eh. Hahaha. So ngayon, ipapakilala ko sa inyo, ang apat na miyembro ng POGItos. Oo nga pala, tinago ko na lang yung mga totoong pangalan nila, baka mahunting sila eh. Hahaha.
Boy Canada - Sa kanilang apat, siya ang pinakaclose ko. Siya na rin yung best friend ko. Kung bakit Boy Canada ang tawag ko sa kanya, dahil kasi nasa Canada na sila ngayon ng pamilya niya. Kaya yan. Hahaha. Okay, si Boy Canada ang pinakaclose sakin kasi tatlong taon kami naging magkaklase nung high school. Isang taon ko rin siyang naging seat mate. Pareho kami ng jeep na sinasakyan. Yun. Hahaha. Mabait, makulit, malambing, mapanglait, babaero, feelingero mayaman, yan siya. Pero siya yung taong pag naging kaibigan mo, di ka papabayaan, di ka iiwan, di ka bibigyan ng dahilan para umiyak. Siya yung taong gagawin ang lahat para mapangiti ka. Para mapasaya ka. Siya yan. Alam ko na yung susunod niyong tanong. Nagkagusto ba ko sa kanya ? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi, di ba ? Hello ? Ganyang lalaki, di mo magugustuhan ? Hahaha. Pero kung bakit hindi naging kami, mahabang istorya yun, na pag sinipag ako, ikukwento ko. Eh bihira lang ako sipagin. Hahaha. Ngayon, may communication pa rin kami. Nakakausap ko pa rin naman siya. Tumatawag siya pag may oras siya. At recently lang, umuwi siya dito sa Pinas with his girl friend. Yan. Haha. Sabi nila, hawig daw niya si JM De Guzman. Yan, may idea na kayo kung bakit daw siya pogi at hinahabol ng mga babae. Hahaha.
Kuya - Siya yung parang kuya ko sa kanilang apat. Siya yung mahilig manermon, nagagalit pag di ako kumakain, siya yung pinakaconcern sakin. Kaya kuya ang tawag ko sa kanya. Atsaka wala rin kasi siyang kapatid, kaya tinuturing niya akong baby sister. Siya yung unang tumawag sakin ng bunso sa tropa, kaya ako naging bunso rin, dahil sa kanya. Mabait, ma-concern, malambing, babaero, yan siya. Ngayong wala si Boy Canada, siya yung parang best friend ko. Siya yung sabihan ko ng mga problema ngayon. Atsaka sa tropa, kung hindi si Boy Canada, siya ang madalas manlibre sakin. Feel na feel niya ang pagiging kuya sakin eh. Siya rin para sakin yung pinakamabait sa kanilang apat, lalo na sa babae. Tapos, sa kanilang apat, siya yung pinakamaarte. Dinaig pa ko. Hahaha. Chinito, parang pang-K-pop boy band yung itsura niya. Pero di naman siya K-pop pumorma. Hahaha. Yan, kaya raw siya naging pogi at pinipilahan ng mga babae. Hahaha.
Batang Ama - Kung pagbabasehan ang pangalan niyang galing bibliya, hindi mo mahahalatang sa kanilang apat, siya yung pinakamaloko. Pinakamatrip. Pinakamahilig sa babae. Grabe lang, parang di siya laging nauubusan ng babae. Pagkabreak sa isa, may bago ulit. Sumusunod lang sa kanya si Boy Canada. Hahaha. Kaya yan, dahil sa kalokohan niya, kaya siya naging batang ama. Pero sa kanilang apat, siya yung pinakamasayang kasama. Parang laging nakatira ng Enervon at Cobra yun eh. Siya rin yung pinakamayaman sa kanila. Heredero lang naman siya ng isang sikat na real estate company dito sa Pinas. O di ba. Hahaha. Pag may galaan kami, sagot niya yung sasakyan at panggasolina. Minsan, sagot niya buong gastos sa gala. Malupit to. Pero sabi ko nga, pinakamalupit siya sa babae. Hahaha. Pero para sakin, siya yung pinakagwapo. Promise. Buti na lang, hanggang crush lang ang inabot ko sa kanya. Di na lumala. Hahaha. Half-Pinoy, Half-Kiwi(New Zealander), Half-Israeli. Mukhang foreigner yan. Kaya oo, gwapo siya sa mata ko. Kaya bagay lang siyang maging babaero. Hahaha.
Mr. Pogi - Sa kanilang lahat, sa kanya ako pinakahindi gaanong close. Hindi naman sa hindi close, hindi rin kasi siya makwento sa sarili niya. Hindi rin siya showy masyado sa nararamdaman niya, sa mga girls lang niya. Sumasabay lang siya sa trip ng tropa. Ganun. Pero iba to, pag nag-alala, grabe. Natuwa ako sa kanya kasi nung may nangyari sakin, siya raw yung nag-asikaso sakin. Hindi dahil wala siyang choice, nagmadali pa nga raw siya magfirst aid sakin. Hahaha. For the first time, nakita ko yung ganung side niya. Hahaha. Pero sa kanilang apat, siya yung pinakatalented. Mala-David Cook na may pagka-Daniel Padilla ang boses nito. Nakakakilig siya pag kumakanta. Sabi nga ni Boy Canada, kaya lang daw nagkakagirlfriend si Mr. Pogi dahil sa boses niya. Hahaha. Tapos, model pa siya sa university nila. At, eto yung pinakamalupit. Sa kanilang apat, siya yung may pinakamakapal este pinakamataas ang confidence level. Hahaha. Kaya Mr. Pogi ang pangalan niya dahil sumali siyang Mr. Pogi ng Eat Bulaga. Pasok na nga siyang second screening at sa first week ng August siya lalabas sa TV. Jusko po. Hahaha. Di ko alam kung susuportahan ko ba o ano eh. Hahaha. Ang itsura ni Mr. Pogi, more on Filipino look, Mala-Adonis lang ang dating niya, Moreno, matangkad, may katawan naman kahit papaano, kaya raw siya pogi at habulin ng babae. Hahaha.
Sa tingin niyo ba madali lang kumilos kasama ng mga yan ? Hindi no. Pag kasama ko sila sa mall kunyari, lahat ng mata ng mga babae nasa akin. Mula ulo hanggang paa, ang tingin nila, para na nila akong pinapatay sa mga irap nila. Grabe. Kulang na nga lang x-ray vision eh. Hahaha. Pero di ko na lang pinapansin. Mamatay sila sa inggit. Hahaha. Ngayon, kung tatanungin niyo ko kung bakit di ko sila nagustuhan, kasi dahil may common denominator sila, pansin niyo ba ? Hahaha. Kaya alam niyo kung bakit hanggang tropa lang ang tingin ko sa kanila. Atsaka, nag-vow ako na hindi ako ma-iinlove sa kahit isa kanila, although medyo pumalya sa una, okay na ngayon. Na-keep ko naman yung vow hanggang ngayon kahit papaano.
So yan sila. Ang tropa kong POGItos. Kahit ganyan yang mga yan, mahal na mahal ko yang mga yan. Hindi naging masaya ang kalahati ng buhay-estudyante ko kundi dahil sa kanila. Naks o. Yiee. Hahaha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment