Blogger Template by Blogcrowds

Pinaniwala ko na yung sarili ko na mas okay ako pag konting lang yung alam ko. Mas okay nga sakin yung wala na lang talaga akong alam. Kasi, paraan na rin ng pag-iwas yun para sakin. Yun yung paniniwala ko, DATI. Kasi habang tumatagal, unti-unti kong narerealize na mali rin yung ganun. Mali rin na iwasan yung mga ganung bagay. Dapat inaalam sila, para kahit papaano, maging handa ka sa mga mangyayari. Dito pumapasok yung mga sikreto.


Hindi talaga ako open na tao. Hindi ako makwento sa sarili ko. Kaya napagkakamalan nila akong malihim, masikreto, ganun. Meron kasing mga bagay na hindi na dapat sinishare at tinatago lang sa sarili. Right to privacy nga. Pero kung magtatanong ka naman ng tungkol sa mga ganung bagay, hanggang may isasagot ako, sasagot ako. Gusto ko rin kasi baguhin yung tingin nila sakin na masikreto. Sasagot naman ako eh. May dalawang dahilan lang naman kung bakit di ako sumasagot, una, hindi ko ma-explain in words yung sagot, at pangalawa, hindi ko talaga alam yung isasagot. 

Hindi naman ako mapilit na tao. Kung ayaw mo sabihin sakin, e di wag. Pero, may hangganan din yan. Kung sa tropa mo, ikaw na lang yung hindi nakakaalam. Iba na yun. Yung out of the blue, may bigla silang sasabihin na, "Uy ! Si ganito pupunta ng Boracay!" Tapos ikaw, walang kaalam-alam. Yung nakakaasar pa eh, hihirit pa sila ng "Ay, hindi ba niya sinabi sayo ?" Letse. Ang pangit kaya ng feeling ng pinaglilihiman. Masakit kaya, sana alam nila yun. Parang, ang lagay sakin eh, hindi ba ko ganun kaimportante sa tropa para hindi sabihan nun ? Hindi ba ko ganun ka-trustworthy ? Ganun. Bilang pessimist na tao, puro negative na ang papasok sa isip ko niyan. Puro tanong ang maglalaro sa isip ko. Bakit hindi sinabi sakin ? May tinatago ba siya ? Madudugtungan pa yan ng madudugtungan hanggang may mga sagot na rin akong nako-conclude sa isip ko. Ang mas masakit pa dyan, yung pinaglihiman ka ng best friend o ka-relasyon mo. Mapapamura ka talaga. Sana alam nila na mas doble yung sakit pag sila yung gumagawa nun. Hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit kailangan nila akong paglihiman, kung ikakabuti ko ba yun, wala akong pakialam. Naglihim ka na eh. Yun yung mahirap tanggapin. Parang ang sarap sabihin sa mukha nila na, "Ay, lihiman ? Para san pang bestfriend/boyfriend/girlfriend mo ako kung maglilihiman na lang tayo ?". Pero di ko yan ginagawa. Ngingiti na lang ako, para wala ng sunod na tanong. "Hahaha. Okay lang yun.", kahit hindi naman talaga, para iwas gulo. Timpi timpi lang. Di ko na lang nilalabas yung inis at galit ko sa kanila, para iwas gulo. Masama raw kasi ako magalit. Kaya pinag-aralan kong magtimpi at huminahon. At yun, effective naman. Isa lang naman ang paraan na ginagamit ko para ilabas sila. Yun ay umiyak. Iyak na naman. Paulit-ulit-ulit na pag-iyak. Mas okay na yun, kasi walang ibang maapektuhan, ako lang. Walang mawawala. Kaysa pag nagalit ako, maraming pwedeng mawala.

Gaya ng sinabi ko kanina, kung ayaw nilang sabihin sakin, di wag. Kung gusto nila akong paglihiman, go lang. As long as kaya nilang itago yun sakin. Dahil pag ako may nalaman, kahit konting detalye lang, maghahanap ako ng paraan para malaman yun. 

Note: Wala akong pinanghuhugutan. Masaya ako ngayong araw na to. Nabuo na lang yan bigla sa utak ko habang nasa byahe pauwi. Naimpluwensiyahan lang ng soundtrip ko kanina tungkol sa secrets. Kung anong kanta yun, feeling ko alam niyo na. Hahaha.

0 comments:

Newer Post Older Post Home