Blogger Template by Blogcrowds

Dahil tapos na yung drama ko, magpopost naman ako ng hindi madrama. Kasi parang hindi na tugma yung blog title ko sa mga entries ko eh. Hahaha. So yung ikukwento ko ngayon, nangyari lang sakin kanina.

Hindi na bago sakin yung weird encounters sa jeep. Buong buhay estudyante ko, jeep ang main transpo ko. Marami-rami na rin akong weird na naencounter sa jeep. Meron na rin akong traumatic experience dun. Ikukwento ko yun next time, pag sinipag ako. Haha. Sa ngayon, etong nangyari lang sakin kanina yung ikukwento ko.

Maayos ang umpisa ng araw ko, inayos ko na yung naiwan kong gulo sa bahay bago ako pumasok. Although may iba pa kong problema (yun yung blog ko kanina), okay ako kasi kahit papaano, nabawasan na. So byaheng school na ko. Dahil medyo puyat, umidlip muna ako sa jeep. Matagal naman yung byahe ko, kaya ayos lang. Hindi rin naman ako malikot matulog sa jeep, kaya alam kong wala akong maiistorbo. Tsaka puno yung jeep, kaya malabong masubsob o tumilapon ako pag biglang pumreno kasi masikip nga. Naglagay na ko ng earphones, soundtrip, at yun, tulog na ko. Ayos yung byahe, di ganun katraffic, di rin magugulo yung ibang pasahero. Bigla akong nagising kasi nalaglag yung pamaypay ko. Medyo maluwag na nun kasi lima na lang kami sa may hilera ko, at ako na lang yung babae, yung kabilang upuan, medyo puno pa. Pagkapulot ko ng pamaypay, napansin ko yung lalaki sa tapat ko, nakangiti sakin. Mukha rin naman siyang estudyante tulad ko, tsaka malinis siya. Medyo creepy nga lang, kasi di ko siya kilala para ngitian niya ako ng ganun, pero di ko na lang pinansin kasi inaantok pa ko. So balik tulog ulit. Hanggang pagdating sa V.Mapa, tuluyan ng bumalik yung diwa ko. Malapit na rin kasi akong bumaba. Napansin ko ulit yung lalaki, nakatingin sakin, tapos nakangiti pa rin. Di ko alam kung smiling face lang talaga siya o ano eh.  Pero di ko na lang pinansin, malapit na rin naman ako bumaba, mawawala rin siya sa paningin ko.Pagtigil ng jeep dun sa bababa, bumaba na rin ako agad kahit di pa nakastop at kahit medyo malayo pa. Normally kasi, aantayin ko munang magred yung stoplight saka ako bababa. Wrong move. Umaambon pala nun. Tinatamad akong maglabas ng payong kasi mahihirapan akong magtupi. So nilakad ko hanggang dun sa may tawiran. Pagkita ko, nandun na yung lalaking ngiti ng ngiti sakin. Umiwas ako, pumunta ko sa kabilang tawiran at dun naghintay para makatawid. Maya-maya, feeling ko hindi na ko naaambunan, saka ko lang nalaman na nandun siya sa likod ko, pinapayungan na ako ! Medyo nagfreak-out na ko, kaya tinanong ko na siya. Sabi ko, "Kuya, kilala mo ba ako, kasi hindi talaga kita kilala eh.", ang sagot niya, "Baka ngayon, makilala na kita..." with matching grin sa mukha niya. Shit. Buti na lang pwede ng tumawid, tumawid na ako, binilisan kong maglakad, at pagkatawid ko, nakatingin pa rin siya sakin, nakangiti pa rin siya sakin.

Yan yung mahirap pag ikaw lang mag-isa yung nagbabyahe. May mga taong weirdo na biglang eepal sa byahe mo. Sa ngayon, naghahanap na ko ng kasabay papunta sa school. Kasabay ko sa jeep. Ayoko ng maulit yun. Nakakatakot na. Baka mas grabe pa yung sumunod.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino si kuyang smiley sa jeep...

0 comments:

Newer Post Older Post Home