Blogger Template by Blogcrowds

Showing posts with label lovelife :). Show all posts
Showing posts with label lovelife :). Show all posts

"They say that love is forever, your forever is all that I need.
Please stay, as long as you need.
Can't promise that things won't be broken, but I swear I will never leave.
Please stay forever with me..."




Yes, I'll stay with you, forever :)


Okay. Di ko yan handwriting. Kasi, mas maayos pa yung handwriting ko ng konti dyan. Pero, hand ko yan. Hahaha. Sinulatan ng boyfriend ko yung right hand ko kanina sa mall. Yan yung sinulat niya.

Wala lang. Kinikilig kasi ako. Ang sweet eh. Bakit ba. Hahaha. Ayoko na ngang tanggalin yan eh. Kaso, natanggal na kanina nung naligo ako. Buti na lang napicture-an ko pa. Hihihi :)

D: ...Kung kasama kita ngayon, kinakagat siguro kita. Hahaha.
E: Kung kasama naman kita, nakayakap lang ako sayo. Ang lamig eh. Haha.
D: Haha. E, di yayakapin kita pabalik. :)
E: Basta di mo na ako kinakagat nun ha. Hahaha.
D: Haha. E, ano gusto mong ginagawa ko nun?
E: Hug mo lang ako. Tapos kiss mo ko sa forehead. Tapos tulog na tayo.
D: Maybe someday... :)

Gusto kong irecord yan sa cellphone ko, pakinggan paulit-ulit, at paulit-ulit ding kiligin. Pitong buwan na rin, pero yung kilig na binibigay mo sa tuwing hinahawakan mo yung mga kamay ko, kahit magaspang at pasmado, tuwing niyayakap mo ako, tuwing hinahalikan mo ako sa noo, o kahit yung mga simpleng bagay lang gaya ng pagngiti mo sakin, hanggang ngayon, ganun pa rin. Hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng epekto sakin. Di ko rin alam eh. Ayoko na ngang alisin yung kamay ko pag hawak mo eh. Ayoko na ngang umalis sa pagkakayakap mo eh. Di ko alam kung bakit nanghihina ako sa tuwing hinahalikan mo ako sa noo eh. Di ko alam kung bakit iba yung ngiti ko pag sinasabihan mo ako ng "Love you, Eye" eh. Alam mo bang sa ginagawa mong yan, lalo kitang minamahal ? Oo, kaya sana, wag mong ititigil ha. Kasi, di na rin ako titigil na mahalin ka eh. Oo, totoo yan. Baka sabihan mo na naman akong bolero eh. Kaya sana, wag kang susuko sakin ha. Alam kong madalas akong topakin, malala ang mood swings ko at marami akong issues sa buhay na nakakaapekto satin, pero naaayos ko naman yun. Basta lagi ka lang nandyan. Basta di mo ako iiwan. Basta di ka bibitaw. Kasi iniisip ko pa lang na mawawala ka sakin, nanghihina na ako. Yung naiisip ko pa lang na hindi ko na maririnig yung mga "Love you, Eye" mo, naiiyak na ako eh. Basta ako, di ako aayaw. Di kita iiwan. Kasi gustong gusto kong laging marinig yan sayo. Marinig yung mga I love you mo, na hinding-hindi ko pagsasawaan. Galing sayo eh. Hahaha. Okay, ang corny ko na. Ganun talaga, mahal kita eh :) 

Habang nag-aayos ako ng gamit ko kanina (WOW, NAG-AAYOS AKO NG GAMIT ! :D), may nakita akong mga crumpled paper. Binuklat ko isa isa at nakita ko yung mga kalokohan ko nung last year lang. Mga rants, lyrics ng kanta, kabwisitan sa buhay, lahat-lahat. Pero may isang papel na sobrang natatawa ako nung nakita ko. Eto yung mga panahong grabe yung pagkabaliw pag-aadmire ko sa isang lalaki, na umabot na nga tuluyan na kong nahulog at minahal siya. Feeling ko, kilala niyo na siya. Hahaha. Gumawa ako ng sulat para sa kanya nun. Sulat-sulatan lang, kasi wala naman talaga akong balak ibigay yun sa kanya. Hahaha. Eto yung laman ng sulat:

                                                                                                      November 15, 2011

Dear Tooot,

          O, ginawan kita ng sulat. Wag kang mag-alala, di mo naman to mababasa. Hahaha. Hay. Alam mo ba, kalahating taon na kitang pinapantasya. Oo, pinapantasya, kasi hindi na lang kita crush eh. Kung pakikinggan mo nga yung tunog ng puso ko, maririnig mo pangalan mo eh. Hahaha. Habang tumatagal, lumalala na ko. Para kang yosi eh. Nakakaadik. Hahaha. Sa tingin ko, hindi naman ako magkakaganito kung di mo na lang rin ako pinansin eh. Kaso, bakit mo nga ba ako pinapansin ? Bakit mo ako pinapakilig ? Bakit mo pa kasi ako inaabakyan ? Bakit mo pa nirereplyan yung mga text ko ? Bakit ang sweet sweet mo pag katext kita ? Naguguluhan na kasi ako eh. Di ko alam kung may nararamdaman ka rin ba sakin o sadyang ganyan ka lang talaga. Ang hirap ! Hulog na hulog na ko sayo oh. Sabi ko nga, mahal na kita eh. At kahit thank you na may smiley lang ang nirereply mo sakin, okay na eh. Kasi kahit sabihin kong hindi ako umaasa, lolokohin ko lang sarili ko eh. Umaasa ako. Asang-asa, kung alam mo lang. Umaasa ako na may matatanggap na I love you too galing sayo. Kahit parang ang labo-labo. Kasi parang ang layo-layo ko pa rin sayo. Hindi naman ako napapagod mahalin ka eh. Napapagod akong umasa. Baka kasi wala ring patunguhan tong kagagahan ko. Baka niloloko ko lang sarili ko. Kaya diretsuhin mo na ako. Para kahit mahirap, makabangon na ko sa pagkakahulog ko. Medyo malayo pa yung aakyatin ko eh. Ang lalim kaya ng kinahulugan ko. Pero sa ngayon, alam kong di mo naman mababasa to, never say never pa rin ang drama ko. Sabi ng signs ko, magiging tayo raw. Naniniwala ako, kaya di ako titigil hangga't di mo sinasabing tumigil ako. Mamahalin kita ng mamahalin, bahala ka dyan. Hahaha.


Note: Tinago ko na yung pangalan niya dito. Sa sulat, buong pangalan pa niya nakalagay. Hahaha.

Walangya. Di na tumigil tawa ko. Hahaha. Napakadesperada ko pala nun. Buti na lang di mo nabasa to nuon. Buti na lang din, napunit ko na to sa likod ng notebook ko at walang nakakita nuon. Buti na lang talaga. Hahaha.

Naisip kong ipost to dahil special ang araw ko bukas na may kinalaman dito. Eksena lang. Hahaha :) Sorry, in love ako eh. Hahaha.


Hindi naman ako nag-expect ng magandang araw ngayon. Ginugulo pa rin kasi ako nung problema kong hanggang ngayon, di pa rin tapos. Isabay pa yung school works. Yay. Pero sabi nga nila, pag kasama mo yung mga taong special sayo, gagaan at gagaan ang pakiramdam mo.


School works muna. Okay naman ang first period. Napilitang magrecite dahil gusto ng tropa ko na lahat kami magrecite. GC daw eh. Okay lang naman sakin, grade yun eh. Kaso ang di okay, yung pagtayo sa harap. Parang may fear na ko dun. Parang stage fright, ganun. Pero ayos naman yung pagtayo ko sa harap ng klase. Kahit medyo kinakabahan dahil biglaan ang pagrecite at walang gaanong alam sa nirerecite, di naman ako nasita ng Prof. Ayos. 

Second period. Eto yung malupit. Recitation ulit. Bunutan ng tanong. Grabe kaba ko nun. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Di ako nag-aral eh. Tatlong chapters kailangang aralin eh. Eh binasa ko lang. As in basa lang. Hindi ko inunawa. Asa lang sa stock knowledge. As if namang merong stock. Haha. Pero grabe, gusto ko ng iyakan yung magiging grade ko nun. So yun, nagsimula ng magrecitation. Inuna yung first row. Eh second row pa ko. Scan. Scan. Scan. Basa ng reviewer. Hanggang sa pinabunot na kami ng tanong. Dinasalan ko pa yung tanong ko nun. At pagkatawag sakin, nagsign of the cross bago buksan yung tanong ko. Pagkita ko sa tanong, yessssssss ! Alam ko yung sagot ! Hahaha. Although nagkulang ng isa, kasi enumerate chorva yung tanong ko, ayos na yung 90% na grade. Okay na yun, para sa taong di naman nag-aral. Haha. Pero, may pangit ding nangyari. Yung iba kong kaibigan na alam kong nag-aral, failed. Malungkot ako para sa kanila. Pero alam kong makakabawi sila. Matatalino yung mga yun. Kaya nilang bawiin yun.

Medyo relieved na. Nabawasan ng konti yung mga iniisip ko. Hanggang ayun. Balik ulit sa problema. At least ngayon, alam kong di na ako nag-iisa. 

Akala ko mahirap mag-isip ng positive. Pero pag galing pala sa taong mahal mo yung positive thoughts, magiging positive din ang tingin mo sa problema. Kaya eto ngayon, positive ang aura ko. Hahaha.

Pinili kong aliwin ang sarili. Sa tingin ko naman, yun din yung gusto niyang gawin nun. Nag-mall kami. At nung bored na, dapat uuwi na kami, kaso dahil walang jeep na dumadaan, tinamad na kong umuwi. Naglibot pa kami. Nilakad namin mula V. Mapa hanggang Recto. Nakakapagod ! Di ko yun ginagawa normally, pero dahil siya naman ang kasama ko, okay lang ! Hahaha. Nung pagod na, pumasok kami sa isang mall at nag-videoke. Masaya. Parang wala kaming problema. Actually, wala naman talaga. Hahaha. Sana. 

Medyo disappointed pa rin ako kasi wala pa rin siya. Although may solusyon na kung sakali, gusto ko pa ring umasang di na namin kailangang humantong sa solusyon na yun. Umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat. Magiging okay kami. Don't lose hope Epz ! :)

Older Posts Home