Blogger Template by Blogcrowds

I know, it's been a while. Medyo matagal na rin akong di nakapag-update ng blog. Sorry about that. Ang kumplikado kasi ng utak ko ngayon. Ang daming pumapasok na hindi naman dapat pumasok. Kaya ayan tuloy. Eto ang epekto. Hahaha. At, baka i-delete ko na rin tong blog. Hindi ko alam kung gagawa pa ako ng bago. Ay ewan. Bahala na. Hahaha.

Sige guys. Ingat kayo.

September na ! Ilang months na lang, December na ! Yes, I'm reaaaally excited for December this year. Well, I'm looking forward for this year's Christmas, and I can't wait ! Excited na talaga akoooo :)


Eto yung iilan sa mga dahilan kung bakit ako excited:

  • The Christmas season ! Malamig, makulimlim, maganda yung weather (for me). 
  • Unlimited ang lafang. Food trips everywhere ! :) 
  • Magkakapera ako ! Haha. Pero, saglit ko lang siguro mafi-feel yung pagkakapera ko dahil Christmas nga yun. PURO GASTOS -.- Pero at least, magkakapera pa rin ako ! :) 
  • Kung may food trip, syempre may galaan din ! I'm excited for the Puerto Galera trip, kasi first time ko makakapunta dun. Hahaha. 
  • Hopefully, this December, mase-celebrate namin ni boyfriend ang first anniversary namin ! Kung magtutuloy-tuloy yung pag-ayos ng relasyon namin. Hahaha. Kaya yoooon ! :)

Marami pa yan. Baka madagdagan pa yan. Pero sa ngayon, dyan ako excited. Hahaha. 

Ikaw, excited ka ba sa December ? Kung pareho tayo, apir pre ! :D 




Kaya pala biglang dami yung views ng blog ko, dahil dito oh. Grabe. Nakakatuwa lang 133 page views ang pag-ibig ko ! :))))))))))))))))))))

Wala lang. Masaya lang ako. Pampalubag loob :))) Salamat sa mga nag-view :)))))))))))



Waking up this morning thinking this can't be real.
But they say there is nothing love can heal.
Why don't you come down so you can feel what I feel ?
Sitting all alone in this place.
Even though we're here face to face.
There is nothing gone but there's something wrong. 
Can't you see, that I'm stuck here underneath,
and you're making it hard to breathe.
So take a look around and tell me what you see, you'll find me, underneath.
I know what to say what don't know where to begin. 
The fear of losing you beneath my skin. 
Is there a solution to this pain that I'm in ?
Sitting all alone in this place.
Even though we're here face to face.
There is nothing gone but there's something wrong.
Can't you see, that I'm stuck here underneath,
and you're making it hard to breathe.
So take a look around and tell me what you see, you'll find me, underneath.
If only you could feel what I dream,
maybe you could hear what I mean.
There is nothing gone but there's something missing.
Can't you see, that I'm stuck here underneath,
and you're making it hard to breathe.
So take a look around and tell me what you see, you'll find me, underneath.


"They say that love is forever, your forever is all that I need.
Please stay, as long as you need.
Can't promise that things won't be broken, but I swear I will never leave.
Please stay forever with me..."




Yes, I'll stay with you, forever :)

Uso kasi sa dashboard, kaya naisipan ko ring gumawa ng listahan ko. Hahaha. Galing sa mga blog na to yung idea, inindicate ko na, kasi sabi nga ng isang blogger, para makaiwas sa issue ng plagiarism ni Tito Sen.

(c) http://thestiffyway.blogspot.com/2012/08/things-i-wanna-do-before-i-die.html
http://journstudentako.blogspot.com/2012/08/things-i-wanna-do-before-i-die.html

Game ! Eto na siya.

1. Magkaroon ng collection ng sapatos. Sapatos talaga ha. Hindi mga high heels, stilettos, pumps o wedges ha. Mga sneakers, espadrilles at ballet flats yung trip ko. Kasi matangkad na ko eh. Parang ang naging point of view ko, di ko na kailangang mag -heels kasi nga matangkad na ko para sa average height ng isang Pinay. So yan. Siguro, atleast 50 pairs ng shoes yung gusto ko.

2. Makapagpublish ng sarili kong libro. Bilang ako'y self proclaimed writer, siyempre gusto ko rin makagawa ng sariling akin. Pangarap naman ata yan ng lahat ng writer eh. Gusto ko yung tipong pupunta ako sa mga bookstores at makikita ko yung pangalan ko sa isang libro dun. Ang sarap sa feeling, naiisip ko pa lang.

3. Makapunta sa Amsterdam, Egypt, Switzerland, New York at Disneyland. Gusto ko rin malibot ang mundo. Gusto ko ring makapagtravel sa iba't ibang bansa. At yang limang yan ang nasa top ng listahan ko.

4. Maging magaling sa pagluluto at pag-bake. Mahilig akong kumain. Gustong-gusto ko yung nag-eexplore sa pagkain. Yung titikim ka ng mga kung ano-anong pagkain. Food trip, kumbaga. Kaya gusto kong matutong magluto, kasi sabi nila, mas masarap daw kainin yung alam mong pinaghirapan mo. At gusto ko rin na kahit di na ko umalis ng bahay, maluluto ko yung gusto kong kainin.

5. Ma-interview si Tito, Vic and Joey. Ang babaw ba ? Hahaha. Eh idol ko tong mga to eh. Lumaki ako sa Eat Bulaga, at nakita ko kung gaano kabubuting tao yung mga taong to.

6. Makapunta sa Sydney Observatory. Dahil ako ay amaze na amaze sa mga stars, at sa kung ano-ano pang creatures sa ating galaxy (ALIENS ! BIG FAN :D), gusto kong makapunta sa isang observatory para makita at mapag-aralan sila. Kung bakit Sydney Obeservatory, dahil sa pagkakaalam ko, yun ang pinaka-advanced sa lahat ng observatories sa mundo.

7. Makatrabaho sila Kara David, Ted Failon, Howie Severino at Lourd De Veyra. Bilang isang hopeful na journalist ng Pilipinas, sila ang mga iniidolo ko sa field ko. At siyempre, gusto ko silang makatrabaho, gusto ko malaman kung paano sila magtrabaho, kung gaano sila kadedicated sa trabaho nila at siyempre, kung gaano sila kagagaling. Baka sakaling mahawaan ako ng mga galing nila. Hahaha.

8. Makagawa ng isang documentary film. Mahilig kasi ako manood ng mga documentaries. Kaya ko nga naging idol yung ilang tao dyan sa taas. Kaya gusto ko ring makagawa ng kahit isang dokyu kasi exciting. Gusto ko, yung tungkol sa society, may kinalaman sa science at history, o tungkol sa isang "sikat" na tao. Sikat, pero hindi artista. Yung mga naging sikat dahil magaling sila o may ginawa silang sobrang laking kasalanan, hindi dahil maganda o gwapo sila.

9. Mapanood si Ed Sheeran sa isang concert. Yes ! Ed Sheeran. I'm a big fan of this Ginger ! Hahaha. Kung di mo kilala si Ed Sheeran, kawawa ka naman. Hahaha. I admire his music, and I love his voice. Yung boses niya kasi, parang nagpapatulog lang. Ang lamig lamig sa tenga. At gusto kong malaman kung ganun yung boses niya talaga pag live na.

10. Makagawa ng sariling album. Kung kilala mo ko personally, alam mo kung gaano ako kafrustated maging singer. Paano kasi, di naman ako nabiyayaan ng magandang boses eh. Hahaha. Pero gusto ko pa rin magka-album, tapos lahat ng kanta, sinulat ko. Hihihi.

11. Magkakotse. Gusto kong magkasariling sasakyan. Dyahe kasi bumyahe pag nagko-commute eh. Haggard ka na agad pag papasok, wala ka pang nagagawa. Tss.

12. Ma-experience yung "Perfect Date". Babae ako, at siyempre gusto ko rin ma-experience yung perfect date. Yung perfect ang lahat, parang walang mangyayaring mali. Tapos parang kayo lang ng partner mo yung nag-eexist, kasi moment niyo yun eh. Parang sa fairy tales lang. Yiee ! Kinikilig na ako. Hahaha. 

13. Makasakay sa isang elepante. Dahil naging kakabit na ng pangalan ko ang hayop na yan, gusto ko naman siyang maging close ng konti (ano raw ?). Hahaha. Gusto ko maexperience sumakay sa elepante ! Parang yung sa Thailand lang.

14. Makapagpalipad ng Paper Lantern. Oo, yung sa Tangled ! Gusto ko nun. Na-aamaze ako sa kanila. Para kasi silang stars eh. Kaya, pag nakapagpalipad ako ng kahit isang paper lantern, para na rin akong nakahawak at nakapagpalipad ng star. Hihihi.

15. Makita si Johnny Depp, Tom Cruise, Ryan Gosling, Jake Gylleenhaal, Robert Downey Jr., Channing Tatum at Adam Sandler ng personal. Landi mode activated ! Hahaha. Okay, tingin ko alam niyo na kung bakit ko sila gusto makita. CRUSH KO SILAAAAA !!! :)))

16. Makanood ng live game ng Lakers, Spurs, Knicks, Bulls at Heat sa NBA. Yep, ako'y NBA fan. At ang mga team na yan ang mga gusto kong mapanood ng live dahil sila yung para sakin, magagaling. At gusto ko rin makita ang crush kong sina Derrick Rose at Jeremy Lin. Hihihi.

17. Makapagdonate ng dugo. Eto na siguro yung magiging paraan ko sa pagtulong sa aking kapwa. Mas naaawa kasi ako sa mga may sakit kaysa sa mga naghihirap na tao. Kasi tong mga taong may sakit, 50-50 na sila eh. Walang assurance kung sa susunod na araw, buhay pa sila. Kaya yan. Yan na siguro yung paraan ko para maakatulong. Don't worry, wala naman akong AIDS... sa ngayon. HAHAHA. Syempre joke lang yan. Hahaha.

18. Ma-conquer yung acrophobia ko. Acrophobia, the extreme fear of heights. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon niyan, kasi wala naman akong naaalalang traumatic event sa buhay ko na may kinalaman sa heights. So siguro, inborn na yung fear ko na yan. Hahaha. Gusto ko siya maconquer, para pag nasa amusement parks kami ng mga kaibigan ko, eh di na ako nasasabihang KJ dahil ayokong sumakay sa roller coaster. Di kasi nila alam kung gaano kagrabe yung panginginig ko, makita ko pa lang yung ride. Hahaha.

19. Makapag-island hopping with friends. Mas masaya kasi pag kasama mo yung mga kaibigan mo sa pagtatravel, lalo na sa island hopping. Kaya sana, makasama ko nga sila. Hihihi.

And lastly,

20. Mahanap o makilala yung taong makakasama ko habangbuhay. Again, babae ako. Hahaha. Syempre, halos lahat naman ng babae, gusto ring mahanap yung lalaking makakasama nila hanggang pagtanda, di ba ? Gusto ko rin na mahanap na siya, tapos bubuo kami ng pamilya, and we'll live happily ever after. Ayoko ng happy ending eh, kasi kahit happy, nag-end pa rin. Gusto ko, walang ending. Hahaha.

So yan ang listahan ko ng gusto kong gawin bago ako mamatay. Yung iba dyan, kailangan ng malaking effort para magawa ko. Yung iba, kailangan ng malaking pera, yung iba naman, kailangan ng lakas ng loob, at yung iba, mukhang malabo na. Hahaha. Pero susubukan kong ma-achieve yang mga yan bago ako mawala sa mundo. At sana, lahat yan magawa ko nga.

So kung napapansin niyo, pinalitan ko yung blog title ko from Life Less Serious :) to Stage Fright. Naisipan ko lang ibahin, kasi di raw bagay yung Life Less Serious :) sa bago template ng blog ko. Yep, iniba ko na rin yung layout ko. Dati kasi, kulay green siya. Ewan ko, gusto ko lang bigyan ng new look yung blog ko. Atsaka yung description din ng blog ko, iniba ko pala. From A Trying-hard Optimist to Thoughts of a Glossophobic. O ha, parang seryoso lang no ? Hahaha. Pero yung content, ganun pa rin. Kahit gusto kong gawing seryoso yung atmosphere ng blog ko, parang di ko magawa. Hahaha. Pero siguro in the near future, may mga seryosong posts na rin kayong mababasa sa blog na to. Kung gaano kalapit yung "near" future na sinasabi ko, di ko alam. Hahaha.

So yan. Kung matatawag na blog improvement ang ginawa ko sa blog ko, di ko alam. Siguro ? Hahaha.


(c) Matabangutak/Rhadson Mendoza

Yep. Natuloy ako sa Tagaytay road trip namin ng pogitos. Ang galing nga eh. Sabi ko kasi kagabi, pag gising ko at sumakit ang tiyan ko, back out ako. Eh kanina, di siya sumakit ! So, natuloy yung pagsama ko sa kanila.

Sobrang sayaaaa ! Namiss ko pala sila. Hahaha. Kasi, nung namatay yung best friend ko, napagdesisyunan kong wag munang makipagkita sa kanila hanggang di pa ko nakakarecover. Mga two weeks yun. Hanggang dumating ang long weekend, naisipan nilang magkita-kita na kami. Dahil emotionally okay na ko, pumayag na kong makita sila. Eh ang kaso, di pa rin pala ako okay physically dahil sa tiyan ko. Pero nakinig naman sakin yung katawan ko't nakisama siya ngayon.

Okay, so ang blog post na to ay tungkol sa road trip ko, malamang. Hahaha. Kung interesado ka pa rin dito, then go lang. Hahaha.

7:00 ang call time, 7:30 ako dumating sa Mcdo. Ginutom na raw yung tatlo kakaantay sakin (kahit 30 minutes lang nalate ?). Hahaha. Oo nga pala, si Ryan, Ion at Elijah yung mga kasama ko. Oo, puro sila lalaki. AT alam ko ang iniisip mo. Tropa ko sila, actually, parang mga kuya ko na tong mga to, kaya tigilan mo na yung iniisip mo ngayon. Hahaha. Okay, balik sa kwento. Natuwa ako sa reaction nila nung nakita nila ako, lalo na si Elijah. Sobrang saya nila, at namiss raw nila ako :) So yun. Inorder nila ko ng pancakes, konting kwentuhan tungkol sa nangyari sakin nitong dalawang linggo. Iniiwasan ko maging emosyunal, kahit halatang-halata na sakin na gusto kong maiyak. Pero dahil nagpapatawa sila, naiwasan ko talaga. Hahaha. Tapos yun. After ko kumain, lumakad na kami. Dala ni Elijah yung Toyota Hilux niya, kaya okay ang transpo. Si Ion ang driver. Mabuti yun, dahil kung si Elijah ang nagdrive, baka di na ko nakakapagblog ngayon. Hahaha. Yung huling nakasama ko kasi si Elijah, pinagdrive niya ko hanggang sa school. Ay mali, sinabay niya ako hanggang sa school at grabe, muntik na kaming mamatay at makapatay. Kaya sobrang relieved ako nung nalaman kong si Ion yung magdadrive. Hahaha. Tapos, dun ako naupo sa tabi ng driver's seat. Sa likod naman si Elijah at Ryan. Okay yung byahe. Mali yung akala naming sobrang traffic ngayong araw. Maayos yung byahe, sobrang kulitan kami, tapos nakatulog na ko hanggang magstop over kami para kumain ulit. Dun kami sa may SLEX, sa Shell. So yun. Nag-CR lang ako, kasi pinabalik nila ako para bantayan yung sasakyan. Sila na raw bibili ng pagkain. Di naman ako nabored magbantay, kasi may TV yung Hilux ni Elijah. Kaya nuod-nuod lang ako ng TV. Pagdating nila, grabe parang fiesta. Si Elijah, may dalang 2 family size pizza ng Shakey's. Si Ion, bumili ng Bucket meal at 3 bucket of fries sa KFC. Si Ryan, 1 dozen ng Krispy Kreme. Wow lang. Hindi naman sila gutom na gutom nun. Hahaha. Kaya yun, happy fiesta ! Ang sarap kumain. Hahaha. So balik byahe. Nakatulog yung dalawa sa likod, sobrang busog ata. Kaya ako, kinakausap ko si Ion para di rin siya antukin. Hanggang sa makarating na kami ng Tagaytay ! Mga 1:00 na kami nakarating. Pumunta kami sa rest house nila Elijah at dun muna nagpahinga. Ang ganda ng view ng Taal volcano dun ! Ang ganda rin ng weather, parang Baguio lang. Habang si Ion, tulog, si Elijah at Ryan, naglalaro ng PS3, ako nakatambay lang sa terrace nila. Ang ganda talaga ng Taal Volcano. Isa na lang ang hinihintay ko, at yun ang... Paper Lanterns ! Kaso, 6 pa raw yun gaganapin kaya mukhang malabo na namin maabutan. Kaya sinusulit ko na ang view ng Taal Volcano. Mga 4 na nun, nakaramdam na naman kami gutom kaya pumunta kami sa isang four star Italian restaurant para magmerienda. Wala kasi halos fast food chains dun at kundi hotel eh puro mga nagpapahorse back riding, kaya pinatos na namin yun. Treat ni Elijah yung food, kaya wala na naman akong gastos. Hahaha. So puro kwentuhan, at yun, di na napigilan ang emosyon. Para kaming engot na nag-iiyakan dun. Hahaha. Naalala kasi namin yung kulang sa tropa. Pero yun, tuloy ang buhay. Tawanan ulit kami. Hanggang mag 5:30 na't nagdesisyon na kaming umuwi. Sabi ko antayin na namin yung Paper lanterns, kaso ayaw nila. Pero, nung nagstop over kami sa isang parang over looking vacant parking lot, binaba nila ako at pinakita sakin yung Paper lanterns ! Dun daw yung pinakamagandang view ng paper lanterns. GRABE. ANG SAYA KO LANG :)))))) Nakita ko na kasi ng halos malapitan yung paper lanterns eh, tsaka first time ko yun makita :)

At yun. Mabilis din ang byahe pabalik ng Manila. Sabi ni Ion, 2 and a half hours lang daw kami bumyahe. Di ko alam kasi tulog na ako buong byahe pauwi. Hahaha. Nakauwi ako sa bahay ng 9:30. Ayos. Di masyadong napagalitan. Hahaha.

So yan ang napakasayang Tagaytay road trip ko... na sana maulit dahil gusto ko ulit makita ang paper lanterns. Hahaha :) PAPER LANTERNS !!!! :)))))))))))))

HAYAAAH ! :) Hahaha. Hello readers ! :) Ako'y nagbabalik ulit, dahil hindi na gaanong busy, at para guluhin kayo. Yes. Hahaha.

Excited ako sa look weekend talaga. Kasi pahinga yun. Lately kasi, lagi akong puyat (my fault) at hindi makatulog ng maayos kaya ang epekto nun, nahihirapan akong gumising sa umaga. Tapos, laging bangag sa klase. Kaya yun. Babawi ako ng tulog ! Actually, kakagising ko nga lang. At pangalawang nap ko na to ngayong araw. Hahaha. Maliban sa pagbawi ng tulog, may mga gala din kasi ako. Dito talaga ako excited. Kaya sana makisama ang katawan ko. Kasi madalas na namang sumakit ang tiyan ko eh. Oo, kasalanan ko naman kung bakit siya sumasakit. Alam ko yun. Kaya bumabawi na rin ako sa katawan ko.

So ang ibablog ko ngayon ay ang magiging schedule ko ngayong long weekend. Eto siya:

Saturday. Although kahapon to, gusto ko pa rin ishare ang ginawa ko. After classes, nagdecide ako, kasama ang girlfriend at boyfriend ko, okay, alam ko ang iniisip mo. Ang girlfriend na tinutukoy ko ay ang closest girl friend ko. Yung boyfriend ko, ay yung boyfirnd ko talaga. Hahaha.Okay, going back, napagdesisyunan naming magmall. Maaga kasi kami nadismiss dahil wala yung 3-6 class namin. Wala kasi si Prof. Tapos, may something din sa tropa ko, nung Friday pa. Umuwi ng maaga yung dalawang tropa ko. Kaya nagmall na lang kaming tatlo, tutal di pa naman kami nakakakain ng lunch nun. Ako naman, sobrang sakit ulit ng tiyan ko, at gutom na gutom na ako nun. Tapos, sobrang crowded ng KFC. Punong-puno, Saturday kasi. Kaya, mga 10 minutes din kami nag-antay dun bago nakaupo. So ayun, nakakain na kami't maganda na ulit ang sirkulasyon ng utak at tiyan ko (kung kilala mo ko, alam mong masama akong nagugutom, alam mo kung gaano kasama ang epekto ng gutom sakin. hahaha.). Tapos, nag WOF kami. GRABE. LAGI KAMING NAGMO-MALL, PERO NGAYON KO LANG NA-EXPERIENCE YUNG GANUN KARAMING TAO. As in. Di ko alam kung anong meron sa mall nun, wala namang sale, di pa naman December, pero ang dami talaga. Kaya lang naman ako nagWOF para makalaro ng basketball. Yung dalawa kong kasama, nasa Tekken eh. Eh medyo nababanas na ako, kaya pinatulan na namin ng girlfriend ko yung basketball na kailangan ng 2 tokens. Sa wakas, nakalaro na rin kami. Hahaha. Maaga pa rin nun, kaya napagdesisyunan naming manood ng movie na tig-25 pesos. Kaso, napanood na namin yung dalawang movie, kaya napagdesisyunang umuwi na. Eh ayoko pa talagang umuwi nun. Kaya yung girlfriend ko, nauna ng umuwi kasi may shot pa raw siya, at kami ng boyfriend ko natira. Dahil gusto ko talaga magpizza nung araw na yun, nagpizza kami. Tapos DQ rin. O di ba, meriendang-merienda lang ang peg ? Hahaha. Tapos tumambay kami ng DQ, nagkwentuhan ng kung ano-ano, tapos hinatid na niya ko sa sakayan ko pauwi.

Sunday. Eto talaga, bawing bawi ako ng tulog ngayon. Hahaha. Nagising ako ng mga 12:30 na, kumain, nagbantay saglit, natulog, nagising ng 5:00, nagmerienda, naligo, nakatulog, nagising 8:00. Ang saya. Hahaha.

Monday. Medyo alangan pa rin ang Tagaytay road trip ko ngayon kasama ang pogitos. Kasi yung tiyan ko eh. Pero pipilitin kong makasama. Sayang yun eh. Atsaka, ang tagal ko na ring di nakakapunta sa Tagaytay. Atsaka gusto ko makita yung FLYING PAPER LANTERNS dun !!! Yun lang talaga gusto ko makita eh. Sawa na ko kay Taal Volcano eh. Hahaha.

Tuesday. Birthday ng girlfriend ng kaibigan ko. Kaya gala na naman ! Food trip daw yun eh. Hahaha.

Wednesday. Yung iba, hanggang Tuesday lang ang long weekend nila, pero kami, hanggang Wednesday, kasi wala naman talaga akong pasok ng Wednesday. Hahaha. Pero di ako gagala ng araw na to. Kasi, mag-aaral ako (huweh !). Oo, mag-aaral ako. Midterms kasi namin ng Thursday sa CommRes (nako po), tapos patayan day sa Friday ! Midterm sa Broadjourn (wala akong idea kung pano ang midterm dun kasi di naman nagtuturo prof namin dun), take home midterm sa SpecTopics (yesss !), presentation ng case study sa InvestigativeJourn (paktay...) at quiz sa Stat (kaya to !). Sa Saturday naman, take home midterm sa PolGov (isa pang yesss !). Ganyan babawi ang school after ng long weekend namin. Ayayayay.

So ngayon, wag munang isipin ang school works at ienjoy muna ang long weekend ! Bihira lang mangyari to eh. Hahaha.

Ohmy. Hahaha. Nakaka500 page views na ang stillthehappiest.blogspot.com ! :) Ang saya naman, ibig sabihin may nagbabasa pa rin dito kahit madalang na akong magpost ngayon :) Hihihi. Yung huling log in ko kasi, 422 pa lang siya, tapos ngayon saktong 500 na. Hahaha.

Para sa mga followers at readers ng blog ko, isang malaking...

THANK YOU !!! ALL CAPS PARA DAMANG-DAMA ! HAHAHA.

Sisikapin kong sipagin lalo sa pagbablog. Hihihi. Sana. Haha.

"Wag ka ng umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak kasi nasasaktan din ako... Gagawin ko ang lahat para di ka na masaktan. Gagawin ko lahat para lumigaya ka..."

Hayy. Kenneth Hyun, Kenneth Hyun. Si Kenneth Hyun, ang bago kong kinababaliwan ngayon. Kung nanonood ka ng Lie To Me sa GMA, for sure kilala mo siya.

Sa Koreanovela na Lie To Me, siya at si Angela (yung bidang babae) ay nagpanggap na mag-asawa. Syempre, may mga personal reasons sila. Si Angela, dahil gusto niyang ipagyabang na may asawa na rin siya sa bestfriend niya na umagaw sa first love niya. Si Kenneth naman, para makuha yung contract dun sa gustong nilang mag-invest sa kumpanya nila (hindi ko alam kung anong kinalaman ni Angela dun kasi di ko naumpisahan yung koreanovela). At sa pagpapanggap na yun, dun sila nag-umpisang mainlove sa isa't isa.

Kung tutuusin, ordinaryo na yung ganyan setting ng love story. Mayaman, maiinlove sa middle-class na babae. May kokontrang kamag-anak/kaibigan/katrabaho/past relationships. Pero in the end, sila pa rin. Medyo naiba lang kasi nagpanggap silang couple nung una, pero ganyan din tatakbo yung story nila. Kung ako ang tatanungin, kaya naging kakaiba ang Koreanovela na to, ay dahil sa bidang lalaki, si Kenneth Hyun.

Actually, ngayon ko lang narealize, si Kenneth Hyun, siya yung pinapangarap kong lalaki. Well, bukod sa physical looks niya, yung character niya kasi sa series, yun talaga yung pinakagusto ko. Hindi mo aakalain na ang isang lalaking seryoso, busy at mayabang, kaya rin palang maging sweet, caring at thoughtful. Hindi lang basta sweet ha, sobrang sweet niya talaga. Paano ? May isang scene dun na dinala niya si Angela sa parang Times Square ng Korea, tapos nagsisigaw siya dun ng "Siya si Angela Gong, at mahal na mahal ko siya !" ng ilang beses. Tapos, meron pa yung scene na pinasan niya si Angela kasi wala siyang sapatos. Tapos, pagdating dun sa kotse niya, sinuot niya kay Angela yung sapatos. Parang Cinderella lang. Grabe, naiinggit talaga ako kay Angela nun. Hahaha.

Sabi ng kaibigan ko, may kanya-kanyang ways ang mga lalaki pagdating sa sweetness. Depende na lang sa babae yun kung gaano niya i-aappreciate yung sweetness ng lalaki. Pero para sakin, yung effort na ginawa ng lalaki yung nagmamatter talaga. Yun talaga yung nakakakilig eh. Ewan ko, pero ako, ang dali-dali ko lang pakiligin eh. Simpleng forehead kiss lang, kinikilig na ako. Mababaw ba ? Hahaha.

Sa aking pananaw, yung mga ganitong lalaki, yung mala-prince charming lang ang datingan, hindi talaga sila nag-eexist sa real world. Ewan ko ha, para sakin kasi, wala namang perpektong boyfriend talaga. Kahit gaano kabait yan, may flaws pa ring tinatago yan. Unlike ni Kenneth Hyun na para sakin, perpekto na, meaning, di talaga siya nag-eexist. Sabi na nga ba eh, hanggang pangarap ka na lang eh. Hahaha.



Yihee. Hi baby boy ! :) Osige na. Next time ulit. Malapit na mag-Lie To Me eh. Sisilay pa ako :)))



Okay. Di ko yan handwriting. Kasi, mas maayos pa yung handwriting ko ng konti dyan. Pero, hand ko yan. Hahaha. Sinulatan ng boyfriend ko yung right hand ko kanina sa mall. Yan yung sinulat niya.

Wala lang. Kinikilig kasi ako. Ang sweet eh. Bakit ba. Hahaha. Ayoko na ngang tanggalin yan eh. Kaso, natanggal na kanina nung naligo ako. Buti na lang napicture-an ko pa. Hihihi :)

Lahat naman ata tayo may mga kinaiinisang tao. Normal naman daw yun, sabi dun sa nabasa ko. Pero ewan ko kung normal pa yung sa akin. Kasi, seryoso, gusto ko na silang mamatay. Oo, winiwish ko na mamatay na sila, now na, ASAP. Ganyan kasama ang mindset ko sa mga taong ayaw ko. Gusto mo ng sample ? Sige, bigyan kita.

Etong taong to, okay naman kami nung una. Hindi kami close, okay lang. Hindi ko rin naman siya napapansin nuon. Ang alam ko lang, nag-eexists siya. Wala akong alam sa kanya, at wala rin naman akong paki sa kanya nun. Ganun lang ang treatment ko sa kanya. Pero, dumating yung time, na ipinakita na niya sakin yung tunay niyang kulay. Putsa. Hindi ako natuwa. Hindi ko alam na ganun siyang tao. Grabehan. Oo, nung ipinakita niya yung tunay niyang ugali, dun ko siya inayawan. Walang sisihan ah, pero binigyan niya ako ng dahilan para isipan siya ng mga ganyang bagay. OA na kung OA, pero once na ginalit mo ko, hindi na yun mawawala, lalo pa sa kanya, di ko naman siya kaibigan. Malabo ka na sakin pre. Kahit magsorry ka pa, wala na.

Naiinis ako na buhay pa rin siya. Naiinis ako na humihinga pa rin siya. Naiinis ako na sumasaya siya. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya. Naiinis ako tuwing naririnig ko boses niya. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya sa Newsfeed ko. Naiinis ako na lahat ng mga gusto kong mangyaring masama sayo, hindi dumadating. Naiinis ako.

Hindi naman ako naiinis sa isang tao ng walang dahilan. At napakabihira nung mga dahilan ko para kaiinisan ang isang tao talaga. Kaso, kung nagawa mo yun, wag ka ng umasang gugustuhin pa kita pre.

Masama raw talaga akong magalit. Kung kaibigan o kakilala mo ako ngayong college lang, swerte ka. Kasi di pa ako nagagalit talaga. Yung mga nakikita lang nila, normal na pagkainis at pagkabadtrip ko lang yun. Kung kaibigan o kakilala mo ako nung high school pa, malamang, nakita mo na akong magtransform sa pagiging monster. Oo, monster kasi yung pagkakadescribe sakin ng best friend ko nung nagalit ako once. Pero wala akong idea kung pano ako magalit talaga. Kasi, nagdidilim ang paningin ko nun, at di ako nakakapag-isip ng tama. After mag-explode ng galit ko, hinihimatay ako. Kaya wala na akong naaalala na ginawa ko nun.

Pagkatapos nung huling nagalit ako, tinulungan ko yung sarili kong maging kalmado. Kung masama talaga akong magalit, dapat kong i-avoid na magalit. Kaya inaral ko talaga ang pagkontrol sa emotions ko, hinabaan ang pasensya at naging mas mature, lalo na sa pagharap sa mga taong kinaiinisan ko.

Para sa mga taong nakasama na sa "I want you to die" list ko, gusto kong humingi ng sorry, dahil hindi niyo na maalis yung galit ko sa inyo. Kung maalis man, eh milagro na yun. Sorry, kasi hindi ako titigil na magwish na mamatay na kayo. At yung huli, sorry dahil kung may mangyari man sa inyo, seryoso, matutuwa ako. Masama na kung masama, sorry ganyan talaga ako eh. Natural ng masama ugali ko, pinasama mo pa.

So mga parekoys,




Kakavisit ko lang sa isang blog na iniistalk ko. Nabalitaan kong natanggap siya dun sa photography club na sinalihan niya. Ayun. Syempre masaya yung tao, kikita ata siya ng malaki dun eh. Tapos, yung isa ko ring kaibigan, natanggap na model ng isang sikat na clothing line. Syempre, masayang masaya siya. Kasi gustong-gusto niyang makapasok dun eh. Meron pa, yung isa kong school mate na dati kong close, natanggap na writer sa isang sikat na magazine for men. Take note: lahat sila, mga ka-edad ko lang.

Nabitter ako ng konti. Nainggit. Kasi, ang dami na nilang na-aachieve, eh mga ka-edad ko lang sila. Mga kumikita na sila agad ng pera. Tapos ako, eto, wala pa ring plano sa future ko. Actually, malapit na ko makatapos ng pag-aaral, hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung ano ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Ngayon nga, di ako sigurado kung gusto ko pa ba tong course ko eh. Kung kailan namang malapit na akong matapos, biglang umaayaw ako sa pagsusulat. Napakawrong timing.

So ano na ? Ano ba talagang gusto ko ? Malapit na matapos ang mga araw ng pagpepetix ko. Dalawa, tatlong taon na lang, ako na bubuhay sa sarili ko. Kailangan ko nang ayusin ang buhay ko. Kailangan ko nang magplano para sa magiging future ko. Kailangan ko nang magseryoso.

Anyway, masaya ako para sa mga taong dinictate ko sa taas. Sana maging maayos yung takbo ng mga bago nilang career.

"Hoy Epper. Pahi-pahinga rin. Wag puro aral kahit I doubt na nag-aaral ka talaga. Nyahaha. Uminom ng Biogesic at wag puro kape. Nyahaha. Ingat! :)"


Yan yung huling sinabi sakin ng best friend ko bago siya bumyahe pabalik ng Pilipinas. Kahapon nga dapat yung dating niya eh. Siguro ngayon, nandito sa bahay yun. Siguro ngayon, kinukulit na ko nun na gumala. Siguro ngayon, ang saya saya namin. Siguro ngayon, kasama ko siya. 

Parang ayoko pa rin maniwala. Sarado pa rin yung isip ko. Ayokong maniwala sa sinasabi nila na wala ka na talaga. Na hindi ka na babalik. Na hindi na kita makikita ulit. Ayoko. Hindi ko pa rin kasi matanggap eh. Bakit kasi ang bilis ng mga nangyari. Bakit ka kasi kinuha kaagad samin? 

Seven years. Seven years mo akong pinasaya, pinatawa, inalagaan, dinamayan, sinamahang harapin ang buhay, minahal. Seven years yun. Kaya hindi madali saking tanggapin na wala ka na talaga eh. Kasi di naman pumasok sa isip ko na mawawala ka talaga sakin. Kasi sabi mo, di mo ko iiwan. Na kahit talikuran na ako ng mundo, sasamahan mo pa rin ako. Na kahit ayawan na nila ako lahat, di ka pa rin bibitaw. Na kahit lahat sila hindi na ako paniwalaan, maniniwala ka pa rin sakin. 

Sabi mo, wala kang gagawing kahit anong dahilan para paiyakin ako. Adik ka ! Binigay mo yung pinakamasakit, yung pinakamabigat na rason ng pag-iyak ko eh. Madaya ka eh. Sabi mo di mo ko iiwan eh. Walang iwanan, di ba ? Bakit ang aga mo naman umalis. Bakit napakabiglaan naman. Hindi pa ako ready ! Hindi ko napaghandaan yung ganitong pangyayari. Kasi naman eh. Hindi ko matranslate sa salita yung sakit na binigay mo. Hirap na hirap ako, iniisip ko pa lang na wala ka na. Pangalawang araw pa lang to, nangungulila na ko sayo. Hay, Lord. 

Pero tuloy lang ang buhay. Tama na ang pag-iyak. Alam kong ayaw mo akong umiiyak. Kasi sabi mo nuon, ayaw mo akong nakikitang mahina. Sa pagkakataong to, susubukan kong sundin yung gusto mo. Alam kong bihira kitang sundin, pero ngayon, susubukan kong gawin yun. Susubukan kong hindi umiyak tuwing naaalala at namimiss kita. Kung paano, hindi ko alam. Basta umasa ka, hindi na ko magiging mahina. 

Walang papalit sayo sa buhay ko. Hinding hindi ka mapapalitan ng kahit sino. Alam kong seloso ka eh. Haha. Sayo pa rin yung titulo na "Bestest Best Friend" sa buhay ko. "Bestest", kasi you're better than the best. Ikaw at ikaw lang ang pinakamatalik kong kaibigan. 

Matagal pa bago tayo ulit magkikita. Excited ka kasi, kaya nauna ka dyan eh. Hahaha. Paki-bantayan na lang ako ha. Alam ko namang kahit kasama mo na Siya, di mo pa rin ako papabayaan. Kahit malaki na ang pagitan ng mga mundo natin ngayon, alam kong di mo pa rin ako iiwanan. Kasi nga, walang iwanan di ba ? :) 

O. Eto yung kanta mo sakin. Tuwing naririnig ko to, humahagulgol ako. Pero ngayon, maiyak man ako, ngingiti ako. Promise :) 


"Kumapit ka lang sakin Epper, di kita bibitawan, pangako." - Troy :C

Ewan ko, pero this past few days, napapabayaan ko blog ko. Hindi naman sa walang ideas na pumapasok sa isip ko, marami rin akong gustong sabihin. Hindi rin naman sa wala akong time, busy ako pero nagkaka-oras naman ako para masingit to, gaya ngayon. Hindi rin ako tinatamad, kasi dapat di ko na to ginawa kung tinatamad ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin talaga. Hahaha. At dahil wala na namang kwenta ang post na ito, as usual, magshe-share ng lang ako ng kanta. Kinanta kasi to ng kaibigan ko sakin nung huli siyang nakipagkita. Yep, we're not in good terms last year, pero okay na kami. Hahaha. O siya, enjoy.



D: ...Kung kasama kita ngayon, kinakagat siguro kita. Hahaha.
E: Kung kasama naman kita, nakayakap lang ako sayo. Ang lamig eh. Haha.
D: Haha. E, di yayakapin kita pabalik. :)
E: Basta di mo na ako kinakagat nun ha. Hahaha.
D: Haha. E, ano gusto mong ginagawa ko nun?
E: Hug mo lang ako. Tapos kiss mo ko sa forehead. Tapos tulog na tayo.
D: Maybe someday... :)

CLASS SUSPENDED !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Malakas ang ulan. Medyo tumataas na rin ang baha samin. May Saturday class ako dapat ngayon, kaso ayan nga, nagmumura na yung class suspended sa taas di ba ? Hahaha. Nagising ako ng 6 am, around 7 am nagsuspend ng klase. Balik tulog. Nagising ako ulit ng 2 pm. Kain ng lunch. Hindi pala natuloy yung The Dark Knight Rises namin, kasi may nangyari dun sa manlilibre, pero okay lang sakin kasi tinatamad ako lumabas dahil sa weather. Tapos, kape, kape, kape, kape, kape. Naka-5 cups ako ng coffee sa loob ng dalawang oras para di antukin. Pero wa-epek. Nakatulog ako ng 4 pm, nagising ng 8 pm. Kumain ng dinner, at eto, nagbablog ngayon. Hahaha. O, di ba, napakaproductive ? :D Hahaha. Bilang walang kwenta tong entry na to, magshe-share na lang ako ng isa sa mga favorite kong kanta ni Ed Sheeran na bagay na bagay sa weather ngayon. Habol na rin sa music week ko na naudlot. Hahaha.


Hayyy. Ed Sheeran, will you marry me ? :) Maybe I'm just in love, when you wake me up ~

HAYAAAAH ! HAHAHA.

Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nakapag-update. Ang dami kasing nangyari eh. Hahaha. At oo, kaya ganyan yung title kasi ikukuwento ko kung ano yung mga naganap na yun. Believe me, mahaba to. Hahaha.

Wednesday - Walang pasok. Rest day. Bawi ng tulog. Panahon rin para gumawa ng homework. Naputol yung internet connection namin neto. Sobrang badtrip ako, kasi wala pa kong homework nun. Inantay kong bumalik yung internet, mula 3 pm... 6 pm... 9 pm... 12 MN. Potek. Wala talaga. Kaya yun, walang homework, kopya na lang bukas.


Thursday - 9 to 12 ang class. Ayos naman, walang masyadong ginawa. Naglesson lang, although dun sa isa kong subject, wala akong maintindihan kasi naguguluhan din yung Prof sa tinuturo niya. Hahaha. Yown. Tapos, may interview kami para sa reporting namin sa isang major subject. Si Sir Jim Gomez ang interviewee. Beteranong journalist daw siya. Sa Associated Press siya nagtatrabaho. Sa pagkakaalam ko, ang AP, international press yun. Kaya yan. Seriously, di ko talaga siya kilala. Hahaha. So yun na nga, 4:30 yung interview, sa Diamond Hotel sa Manila. Naghanap kami ng barkada ko ng gagawin para patayin yung oras. Tambay muna sa 7-11 malapit sa Diamond Hotel. Kain, picture, picture. Hahaha. Tapos mga 4 na nun, okay na raw, sa lobby na lang raw namin siya antayin. Punta na kaming Hotel, tapos pagdating sa entrance, medyo nagkaproblema. Wala pa raw si Sir Jim. Tapos isa lang samin pinapasok para maghintay sa may lobby nila. Yung isang tropa ko na katext ni Sir yung pumasok. Yun. Medyo nabadtrip ako, kasi di kami pinapasok lahat. Kaming 4, nasa labas lang. Para kaming tanga dun, pero wala naman kaming magagawa eh.
Tapos yun, antay antay. Hanggang sa dumating na siya, nakapasok na rin kami sa 4-star hotel. Woo. In their face ! Hahaha. Sa interview, okay naman, although di talaga ako nag-iinterview nun. Nagsusulat lang ako, yung mga kasama ko nagtatanong. Na-amaze ako kay Sir Jim. Mamaw siya. Siya kasi yung tipo ng journalist na pinapadala sa mga giyera, sa mga danger zones. Astig ng trabaho niya. Kailangan talaga na malakas loob mo, kasi pwede kang mamatay dun anytime eh. Tapos ang nakakatuwa pa, sobrang bait at humble niya. Ang galing-galing niya eh, dapat siya yung nagyayabang, pero walang bakas ng yabang. Astig. Mga 6:30 pm na natapos yung interview. Gutom na kami. Nung pauwi na kami, umuulan. Ayos lang nung una, kaso biglang lumakas at may hangin effects pa. Pumunta kami ng mall para kumain, kaso walang "affordable" na restaurant na pwede naming kainan. Labas kami ng mall, malakas pa rin yung ulan at hangin, go lang, gutom na kami eh. Kain kami sa Jollibee. After kumain, umuwi na kami. Medyo humina na yung ulan at hangin, kaso may problema ulit. Bahain pala yung lugar na yun ! Woo. Ang saya. Yung Vans ko basang-basa, yun lang talaga yung concern ko eh. Hahaha. At yun, pagdating sa LRT, naghiwa-hiwalay na kami at umuwi. Mga 9:30 ako nakarating sa bahay. Nilasap ang pagbabalik ng Internet, gawa homework, bagsak sa kama.

Friday - 4:00 am, nagising ako. Grabe yung lakas ng hangin at ulan. Medyo nakampante na ko na walang pasok, signal #3 daw sa Manila eh. Balik tulog. 5 am, nagtext yung class president namin, kinoconvince daw niya yung 7:30-9:00 Prof namin na isuspend na yung klase niya. Ayos. Never gonna leave this bed ang drama ko. Then, 15 minutes later, nagtext ulit, may klase daw. Fucking shit. Ayaw na ngang bumangon ng katawan ko eh. Ang lamig lamig. Ang sarap pa matulog. Panira ng trip talaga si Sir. Tss. So bumangon na ko, nagprepare na para pumasok. Nung nasa tricycle na ko, saka ko naalala na nakalimutan ko yung homework ko ! Buti na lang di pa umaandar tricycle, nabalikan ko pa. Dyahe, 6 na, nasa bahay pa ko. Alam ko ng malelate ako. Kaya nagmadali na ko. May one and a half hours pa ko para bumyahe. Optimism ! Hahaha. Kabado kasi ako, kasi sabi nung Prof namin nung last meeting, 7:30 sharp daw, nasa room na siya. Tapos may activity daw kami, kaya ayoko malate. Kaso, 6:30 na, nasa Pasig pa rin ako. TRAFFIC. Ay mali, HEAVY TRAFFIC. Juskoo. Buti na lang, Kaskasero yung jeep na nasakyan ko. Kahit papaano, di naman ako gaanong na-late. Mga 5-10 minutes lang ako nalate. Whew. Tapos, wala pala si Prof. Sister-in-law niya yung umattend samin. Nag-aactivity na sila nung dumating ako. Ayos naman, nakahabol pa ko. Tapos yun. Okay naman yung grade ko sa activity. Then, lunch break. Nabadtrip ako sa tropa ko. Putek kasi, ako na lang lagi nakikita. Kung makapagmura at makapang-irap eh. Sanay na ako sa kanila, alam ko namang ganun na talaga silang tao, palamura, ganun. Pero yung di ko lang nausog yung upuan ko, malulutong na mura agad ? Napuno na talaga ako, pero dinaan ko na lang sa joke. Pero grabe. Buti na lang marunong na ako magpigil. Hahaha. Ayun, nagklase na ulit. Wala na kong masyadong ikukwento sa isa kong subject, kasi inantok lang ako dun. Dito ako nabuhay, sa Statistics. May surprise quiz. May alam naman na ako kahit papaano, kaya okay lang sakin magquiz. Eh kailangan ng calculator. BAWAL ANG CELLPHONE. Ten-ten-ten-ten ! WALA AKONG CALCULATOR. Nawala sa isip ko kasi nagmamadali na nga ko kanina. Buti na lang mabait si Prof. Pagkatapos niya kami ireview, may 30 minutes pa kaming free. SUGOD ! HANAP CALCULATOR ! Ang problema ko, wala akong kakilalang hihiraman ng calculator. Yun, sabi ko bibili na lang ako. Punta ako ng CEA. Kaso Sci Cal na lang meron, 675 pesos. Tae. Wag na lang. Buti na lang may kasabay akong mga wala ring calcu, naisipan naming manghiram. First try, wala. Second try, nahiram na raw. Ilang tries na, wala pa rin kaming calcu. Malapit na matapos yung 30 minutes. Bumalik kami sa room, bigo. Tina-try naming iconvince si Prof na pumayag na sa calcu sa cellphone, pag-iisipan pa raw niya. Kaya yun, naghanap ulit kami. 10 minutes bago matapos yung 30 minutes free time, bumalik kami CEA. Pakapalan na ng mukha to. Nanghiram kami sa mga tindahan, sabi nga namin, kahit rentahan na lang namin, pero may mga mababait pa ring tao. Nakahiram kami. Ayun, tinakbo na namin mula CEA hanggang COC. Umabot pa kami sa quiz. YESSSS !! Examination time, ANG HIRAP PALA !! Nangangapa ako sa ibang given, kasi di ko na naaral. Hula-hula na lang. Bahala na. Hanggang RIIIIINNNNGGGGGGGGGGG !!!! Nasuspend pa yung klase ! WOOHOO ! Kaya yung quiz namin, quiz pa rin, take home na nga lang. Hahaha. Pero nanghihinayang ako, kasi grabe yung ginawa ko para makahanap ng calculator, tapos biglang ganun. Pero okay na rin, mas maaaral ko yung quiz. Hahaha.

So yan yung dahilan kung bakit di ako nakapag-update. Yes. Tapos medyo loaded din ang aking weekend. Loaded ng gala ! Hahaha. Eto yung schedule ko:

Saturday - Pagkatapos ng klase ko, manonood kami ng Pogitos ng The Dark Knight Rises ! Super excited na ako ! Ang maganda pa, sagot ni Batang Ama lahat ng gastos ! Oyeah ! Mabiyayaan ka nga naman ng mga ganitong kaibigan o. Hahaha.

Sunday - Partey, partey ! In-invite kami ng partner ko dun sa charity sa anniversary nila. Nagcharity kasi kami ng Pogitos nung summer. Yung charity na yun, charity ng kumpanya ng pamilya ni Batang Ama. Big time no ? Hahaha. Excited din ako dito, kasi makikita ko ulit ang Team E (Sila yung kasama ko sa grupo, sa dulong block kasi kami) ! Hahaha.

Yan ang linggo ko. Hassle, masaya naman. Andyan ang friends eh. Hahaha. Pero excited talaga ako sa The Dark Knight Rises. Hahaha. :)

Habang nagbabrowse ako kanina, bigla kong na-click yung vid na to sa YouTube dahil sa malikot na mouse. Tapos ngayon, eto na ang background music ko. Nagandahan ako eh. Kahit di siya gaanong tugma sa buhay ko ngayon. Hahaha. Tsaka kasama kasi si Demi Lovato, kaya yan.


Dahil mabait ako, ipopost ko na rin yung lyrics nyan.


See I can't wake up I'm living a nightmare

That keeps playing over again
Locked in a room so hung up on you
And you're cool with just being friends



Left on the sidelines
Stuck at a red light
Waiting for my time
And I can't see



Why don't you love me?
Touch me, tell me I'm your everything
The air you breathe
And why don't you love me baby?
Open up your heart tonight
'cause I could be all that you need
Why don't you love me?
Why don't you love me?



See I'm just too scared to tell you the truth
Cause my heart ache can't take anymore
Broken and bruised longing for you
And I don't know what I'm waiting for



Left on the sidelines
Stuck at a red light
Waiting for my time
So just tell me



Why don't you love me?
Touch me, tell me I'm your everything
The air you breathe
And why don't you love me baby?
Open up your heart tonight
I could be all that you need
Why don't you love me?
Why don't you love me?



Why don't you give me a reason?
Please tell me the truth
You know that I'll keep believing
Till I'm with you



Why don't you love me?
Kiss me, I could feel your heart tonight
It's killing me so
Why don't you love me?
Touch me, tell me I'm your everything
The air you breathe
And why don't you love me baby?
Open up your heart tonight
I could be all that you need
Why don't you love me?
Why don't you love me?
Why don't you love me?

Yeah :)

Dahil wala na akong magawa kanina, naisip kong mangstalk ng mga blog. Nagkaroon ako ng Tumblr account nuon, at medyo marami na rin akong followers dun, kaso dineactivate ko na kasi wala na siyang kwenta, puro reblogs na lang yung laman. Then, naalala ko yung mga blog ng mga iniistalk ko dati, so binisita ko sila. Tinignan ko yung blog ng isa kong kaibigan. Okay naman sa una yung mga posts niya, hanggang nabasa ko na yung mga blogs niya last year. May isang post, tungkol sakin. Nasaktan ko na pala siya, di ko alam. Ni di ko man lang naramdaman. Ang masakit pa, parang okay lang siya pag kinakausap ko siya, nakikipagtawanan pa siya sakin nuon. Di ko alam na grabe na pala yung hinanakit niya sakin. Pootsa. Bakit di ko man lang napansin ? Bakit ang manhid ko ? 

Alam kong medyo late na to, pero sorry. SORRY. Di ko sinasadyang saktan ka. Kung kaya ko lang sabihin ng personal yan, sasabihin ko sayo. Pero ngayong nalaman kong nasaktan pala kita, parang di na kita kayang harapin. Ang hirap isipin na nginingitian mo pa rin ako hanggang ngayon kahit nasaktan kita ng di sinasadya nuon. Sorry. Sorry talaga. Alam kong di nyan maaalis yung mga hinanakit mo sakin, gusto ko lang malaman mo na nakokonsensya akong nasaktan kita. 

Alam mo na kung sino ka, at alam kong mababasa mo rin to. 

Gusto kong irecord yan sa cellphone ko, pakinggan paulit-ulit, at paulit-ulit ding kiligin. Pitong buwan na rin, pero yung kilig na binibigay mo sa tuwing hinahawakan mo yung mga kamay ko, kahit magaspang at pasmado, tuwing niyayakap mo ako, tuwing hinahalikan mo ako sa noo, o kahit yung mga simpleng bagay lang gaya ng pagngiti mo sakin, hanggang ngayon, ganun pa rin. Hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng epekto sakin. Di ko rin alam eh. Ayoko na ngang alisin yung kamay ko pag hawak mo eh. Ayoko na ngang umalis sa pagkakayakap mo eh. Di ko alam kung bakit nanghihina ako sa tuwing hinahalikan mo ako sa noo eh. Di ko alam kung bakit iba yung ngiti ko pag sinasabihan mo ako ng "Love you, Eye" eh. Alam mo bang sa ginagawa mong yan, lalo kitang minamahal ? Oo, kaya sana, wag mong ititigil ha. Kasi, di na rin ako titigil na mahalin ka eh. Oo, totoo yan. Baka sabihan mo na naman akong bolero eh. Kaya sana, wag kang susuko sakin ha. Alam kong madalas akong topakin, malala ang mood swings ko at marami akong issues sa buhay na nakakaapekto satin, pero naaayos ko naman yun. Basta lagi ka lang nandyan. Basta di mo ako iiwan. Basta di ka bibitaw. Kasi iniisip ko pa lang na mawawala ka sakin, nanghihina na ako. Yung naiisip ko pa lang na hindi ko na maririnig yung mga "Love you, Eye" mo, naiiyak na ako eh. Basta ako, di ako aayaw. Di kita iiwan. Kasi gustong gusto kong laging marinig yan sayo. Marinig yung mga I love you mo, na hinding-hindi ko pagsasawaan. Galing sayo eh. Hahaha. Okay, ang corny ko na. Ganun talaga, mahal kita eh :) 

Dahil naumpisahan ko naman na sa tatlong kanta ng buhay ko, ituloy-tuloy na natin. Hahaha. Mainly, puro kahiligan ko sa music ang ibablog ko.  Syempre, magbablog din ako ng iba-ibang bagay sa buhay ko, pero isisingit ko lang yun. Hahaha. Kaya wag na kayo magulat kung puro YouTube vids ang magiging laman ng blog ko, kasi nga music week. Hahaha. Bilang panimula, eto ang background music ko ngayon, at isa to sa pinakamagandang covers na napakinggan ko sa kantang to. Pero di ko naman sinasabi na pangit yung original ha. Maganda lang yung pagkakacover nila dito. Isa to sa mga paborito kong kanta ng isa sa pinakamagaling na banda ng panahon natin ngayon. 


Yes, gusto ko tuloy sumigaw ng "I love you, Danny O'Donoghue ! Marry Me !!!!" Hahaha. 

Tapos, eto naman yung cover na pinapakinggan ko ngayon. 


Ayan. Hahaha. Kung etong mga lalaki rin na to ang magse-serenade sakin eh. Juskooo. Baka mamatay na ko sa sobrang kilig. Hahaha. So yan sila, pakinggan niyo pareho. Enjoy :)

Lahat naman ata tayo, music lover. Ako, aminado dyan. Lahat ng genre ng music, pinapakinggan ko. Basta okay yung lyrics, go lang. Pag nakakarelate ako, o natutuwa lang ako sa kanta, pinipirata ko na. Hahaha. Poorita ako eh. Walang pambili ng albums. Hahaha. Pero kung reregaluhan mo ako ng kahit isa sa tatlong albums ni Ed Sheeran, paglilingkuran kita habang-buhay. Swear. Hahaha. Pero di tungkol sa pagpapantasya ko kay Ed Sheeran to. Ise-share ko yung mga kantang nagdedescribe sa buhay ko. Natutuwa kasi ako na may mga kantang nagdedescribe na sa buhay ko. Di na ko masyadong mahihirapan mag-introduce yourself. Hahaha. 


Etong kanta to ang dahilan kung bakit nahumaling ako kay Adam Levine at sa Maroon 5. Hahaha. Kung bakit yan, kasi naniniwala ako na after every heartbreak, may taong magmamahal ulit sayo. May taong magbabago ng pananaw mo sa pag-ibig. May taong magpu-prove na hindi lahat ng lalaki o babae, pare-pareho. Pag brokenhearted ako, eto lang isa sa mga kantang pinapakinggan ko na nakakapagpa-okay sakin. Maliban sa hot yung kumakanta, nabubuhayan ako ng loob na okay lang yan, na kung hindi talaga siya, wag ng ipilit, mahahanap din ako ni Mr. Right. Oo, siya yung maghahanap sakin kasi tamad ako. Hahaha. Nagkaganyan ang mindset ko dahil sa kantang yan ! Hahaha. Para shortcut, eto:

Look for a girl with a broken smile
Ask her if she wants to stay a while
And she will be loved...

Ayan  Perfect Explanation.



All Time Low ! Hahaha. Crush ko yung vocalist, si Alex Gaskarth :) Hahaha. Kung bakit kasama yan sa kanta ng buhay ko, eto ang pinakamadaling explanation:

Maybe it's not my weekend, but it's gonna be my year
And I'm so sick of watching while the minutes pass as I go nowhere
And this is my reaction to everything I fear
'Cause I've been going crazy, I don't wanna waste another minute here...

Simple lang. You can't wait for things to happen. Live your life the way you want to. No worries. Be weightless. 


Kung bakit kasama to sa kanta ng buhay ko, eto ulit ang pinakamadaling explanation (ang tamad ko mag-explain, sorry :D): 

Things have changed for me, and that's okay... :)

In short, nagbabago ang takbo ng buhay natin at wala tayong magagawa dun. Bilang isang trying hard na optimist, let's just welcome them with a smile :) 

So ayan ang tatlong kantang nagdedescribe ng buhay ko. Yes, yes, yo. Hahaha. 

Pagdating sa friends, marami rin ako niyan. Although hindi ako ganun ka-friendly, marami pa ring gusto maging kaibigan ako. At yung ikukwento ko ngayon, tungkol sa aking mga friendssss. 


Kung papapiliin, mas gusto kong kasama ang mga lalaki kaysa mga babae. Hindi dahil malandi ako o nagmamaganda, kaya mas gusto ko sila kasama kasi mas masaya ang trip nila. Mas nakakasakay ako sa mga trip nila, unlike sa mga babae na puro pag-aayos at lalaki ang pinag-uusapan. Meron naman akong mga kaibigang babae, at close din ako sa kanila. Pero, mas close ako sa mga kaibigan kong lalaki. Solid kami eh. Maglilimang taon ko na rin silang tropa. Sabi sayo solid kami eh. 

Sila yung POGItos. Ako lang yung nagbigay ng pangalan na yan kasi wala naman silang pangalan. Kaya sila POGitos, dahil tingin nila sa sarili nila, ANG GAGWAPO NILA. Although, medyo totoo naman, pero masyado kasi nilang dinadamdam. Hahaha. Tapos, samin, ako lang yung babae. Parang Boys Over Flowers lang ang peg di ba ? Hahaha. Pero di rin, kasi nga, one of the boys ako pag kasama ko sila. Lahat ng ginagawa nila, ginagawa ko rin. Kaya ako natutong magbisyo dahil sa kanila. Kasi nga one of the boys ako. Hahaha. Pero ang iba lang, bini-baby nila ako. Dahil nga ako lang ang babae, ako yung parang lumalabas na bunso. Nai-spoiled nila ako. Tuwing may galaan kami, lahat, as in LAHAT ng gastos ko, sagot nila. Libre lahat. Yun yung masaya talaga. Hahaha. Hindi ko sila nirerequire na ilibre ako, ibili ako ng ganito, ganyan, kasi nagkukusa na sila, palibhasa mga anak ni Mayor ang datingan nila eh. Hahaha. Pero di nagtagal, nakakahiya na syempre. Hindi naman ganun kakapal yung mukha ko eh. Atsaka may pera naman akong panggastos, pero ewan. Gusto nila yun eh. Hahaha. So ngayon, ipapakilala ko sa inyo, ang apat na miyembro ng POGItos. Oo nga pala, tinago ko na lang yung mga totoong pangalan nila, baka mahunting sila eh. Hahaha.

Boy Canada - Sa kanilang apat, siya ang pinakaclose ko. Siya na rin yung best friend ko. Kung bakit Boy Canada ang tawag ko sa kanya, dahil kasi nasa Canada na sila ngayon ng pamilya niya. Kaya yan. Hahaha. Okay, si Boy Canada ang pinakaclose sakin kasi tatlong taon kami naging magkaklase nung high school. Isang taon ko rin siyang naging seat mate. Pareho kami ng jeep na sinasakyan. Yun. Hahaha. Mabait, makulit, malambing, mapanglait, babaero, feelingero mayaman, yan siya. Pero siya yung taong pag naging kaibigan mo, di ka papabayaan, di ka iiwan, di ka bibigyan ng dahilan para umiyak. Siya yung taong gagawin ang lahat para mapangiti ka. Para mapasaya ka. Siya yan. Alam ko na yung susunod niyong tanong. Nagkagusto ba ko sa kanya ? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi, di ba ?  Hello ? Ganyang lalaki, di mo magugustuhan ? Hahaha. Pero kung bakit hindi naging kami, mahabang istorya yun, na pag sinipag ako, ikukwento ko. Eh bihira lang ako sipagin. Hahaha. Ngayon, may communication pa rin kami. Nakakausap ko pa rin naman siya. Tumatawag siya pag may oras siya. At recently lang, umuwi siya dito sa Pinas with his girl friend. Yan. Haha. Sabi nila, hawig daw niya si JM De Guzman. Yan, may idea na kayo kung bakit daw siya pogi at hinahabol ng mga babae. Hahaha. 

Kuya - Siya yung parang kuya ko sa kanilang apat. Siya yung mahilig manermon, nagagalit pag di ako kumakain, siya yung pinakaconcern sakin. Kaya kuya ang tawag ko sa kanya. Atsaka wala rin kasi siyang kapatid, kaya tinuturing niya akong baby sister. Siya yung unang tumawag sakin ng bunso sa tropa, kaya ako naging bunso rin, dahil sa kanya. Mabait, ma-concern, malambing, babaero, yan siya. Ngayong wala si Boy Canada, siya yung parang best friend ko. Siya yung sabihan ko ng mga problema ngayon. Atsaka sa tropa, kung hindi si Boy Canada, siya ang madalas manlibre sakin. Feel na feel niya ang pagiging kuya sakin eh. Siya rin para sakin yung pinakamabait sa kanilang apat, lalo na sa babae. Tapos, sa kanilang apat, siya yung pinakamaarte. Dinaig pa ko. Hahaha. Chinito, parang pang-K-pop boy band yung itsura niya. Pero di naman siya K-pop pumorma. Hahaha. Yan, kaya raw siya naging pogi at pinipilahan ng mga babae. Hahaha.

Batang Ama - Kung pagbabasehan ang pangalan niyang galing bibliya, hindi mo mahahalatang sa kanilang apat, siya yung pinakamaloko. Pinakamatrip. Pinakamahilig sa babae. Grabe lang, parang di siya laging nauubusan ng babae. Pagkabreak sa isa, may bago ulit. Sumusunod lang sa kanya si Boy Canada. Hahaha. Kaya yan, dahil sa kalokohan niya, kaya siya naging batang ama. Pero sa kanilang apat, siya yung pinakamasayang kasama. Parang laging nakatira ng Enervon at Cobra yun eh. Siya rin yung pinakamayaman sa kanila. Heredero lang naman siya ng isang sikat na real estate company dito sa Pinas. O di ba. Hahaha. Pag may galaan kami, sagot niya yung sasakyan at panggasolina. Minsan, sagot niya buong gastos sa gala. Malupit to. Pero sabi ko nga, pinakamalupit siya sa babae. Hahaha. Pero para sakin, siya yung pinakagwapo. Promise. Buti na lang, hanggang crush lang ang inabot ko sa kanya. Di na lumala. Hahaha. Half-Pinoy, Half-Kiwi(New Zealander), Half-Israeli. Mukhang foreigner yan. Kaya oo, gwapo siya sa mata ko. Kaya bagay lang siyang maging babaero. Hahaha. 

Mr. Pogi - Sa kanilang lahat, sa kanya ako pinakahindi gaanong close. Hindi naman sa hindi close, hindi rin kasi siya makwento sa sarili niya. Hindi rin siya showy masyado sa nararamdaman niya, sa mga girls lang niya. Sumasabay lang siya sa trip ng tropa. Ganun. Pero iba to, pag nag-alala, grabe. Natuwa ako sa kanya kasi nung may nangyari sakin, siya raw yung nag-asikaso sakin. Hindi dahil wala siyang choice, nagmadali pa nga raw siya magfirst aid sakin. Hahaha. For the first time, nakita ko yung ganung side niya. Hahaha. Pero sa kanilang apat, siya yung pinakatalented. Mala-David Cook na may pagka-Daniel Padilla ang boses nito. Nakakakilig siya pag kumakanta. Sabi nga ni Boy Canada, kaya lang daw nagkakagirlfriend si Mr. Pogi dahil sa boses niya. Hahaha. Tapos, model pa siya sa university nila. At, eto yung pinakamalupit. Sa kanilang apat, siya yung may pinakamakapal este pinakamataas ang confidence level. Hahaha. Kaya Mr. Pogi ang pangalan niya dahil sumali siyang Mr. Pogi ng Eat Bulaga. Pasok na nga siyang second screening at sa first week ng August siya lalabas sa TV. Jusko po. Hahaha. Di ko alam kung susuportahan ko ba o ano eh. Hahaha. Ang itsura ni Mr. Pogi, more on Filipino look, Mala-Adonis lang ang dating niya, Moreno, matangkad, may katawan naman kahit papaano, kaya raw siya pogi at habulin ng babae. Hahaha.

Sa tingin niyo ba madali lang kumilos kasama ng mga yan ? Hindi no. Pag kasama ko sila sa mall kunyari, lahat ng mata ng mga babae nasa akin. Mula ulo hanggang paa, ang tingin nila, para na nila akong pinapatay sa mga irap nila. Grabe. Kulang na nga lang x-ray vision eh. Hahaha. Pero di ko na lang pinapansin. Mamatay sila sa inggit. Hahaha. Ngayon, kung tatanungin niyo ko kung bakit di ko sila nagustuhan, kasi dahil may common denominator sila, pansin niyo ba ? Hahaha. Kaya alam niyo kung bakit hanggang tropa lang ang tingin ko sa kanila. Atsaka, nag-vow ako na hindi ako ma-iinlove sa kahit isa kanila, although medyo pumalya sa una, okay na ngayon. Na-keep ko naman yung vow hanggang ngayon kahit papaano. 

So yan sila. Ang tropa kong POGItos. Kahit ganyan yang mga yan, mahal na mahal ko yang mga yan. Hindi naging masaya ang kalahati ng buhay-estudyante ko kundi dahil sa kanila. Naks o. Yiee. Hahaha. 

So medyo gusto kong magkwento ng konti tungkol sa sarili ko ngayon. Saan ba nagsisimula ang introduce yourself ? E di sa pangalan ! Hahaha. Kaya ngayon, ikukwento ko ang mga pangalan ko pati yung katawagan sakin. Dumadami na kasi sila. Di ko alam kung bakit. Hahaha. Okay, game !


Jennifer - eto yung tunay na pangalan ko talaga. Eto secret lang, kung gusto mo akong badtripin, tawagin mo lang akong "JENNIFER, JENNIFER" all day, all night, badtrip na ako. Seryoso yan. Pero syempre, exempted na mga kaibigan ko dito. Kaya kung di tayo close at gusto mo akong inisin, itry mo yan. Pero sina-suggest ko na wag na, dahil ikaw rin, mauubusan ka ng hangin sa katawan. Hahaha.

Jen - eto yung childhood nickname ko. Eto rin yung tawag sakin dito sa bahay. Yung mga kalaro ko nuon at buong neighborhood namin, eto tawag sakin. Okay lang, wala namang problema sakin kung tatawagin mo akong Jen. 

Epper - eto yung tawag sakin ng high school at college friends ko. Kung papapiliin, eto yung gusto kong itawag sakin. Kakaiba kasi yung dating. Wala akong kapareho ng nickname. Ganun. Hahaha. Galing yan sa Adviser ko nung 2nd year high school. Mabilis kasi siya magsalita, kaya pag tinatawag niya ko ng Jennifer, yung "ifer" na lang yung naririnig ko at ng mga kaklase ko. Hanggang sa Ifer na yung tawag niya sakin. Pero dahil ang pangit, medyo pinacute ko na lang, ginawa kong Epper yung spelling. Kaya simula nun, Epper na yung tawag nilang lahat sakin. 

Iskeni - eto yung tawag ng ibang pinsan ko sakin. Kung san galing yan, hindi ko alam. Hanggang ngayon kasi, wala pa rin akong idea kung sang lupalop yan galing eh. Hahaha.

Eng-eng - eto yung tawag sakin ni papa nung bata pa ako. Siya lang yung tumatawag sakin niyan. Medyo nahiya na siyang tawagin akong Eng-eng ngayon dahil di na raw bagay. Pinagpapasalamat ko yun hanggang ngayon. Hahaha. 

Bunso - eto yung tawag sakin ng tropa kong POGItos. Hahaha. Dahil ako lang ang babae sa kanila, kaya ako ang bunso. Natutuwa naman ako kasi bini-baby nila ako. Hahaha. Gagawan ko na lang sila ng ibang entry, kasi kung ikukwento ko dito, medyo mahaba-haba yun. Hahaha.

Eye - isang tao lang ang tumatawag sakin neto. At siya lang ang tatawag sakin neto. Hahaha :) O, may smiley, alam niyo na siguro kung sino yan. Hahaha. Kung bakit niya ko tinatawag na Eye, dahil kasi sa aking psychic powers na gagawan ko na lang din ng entry dahil mahaba-habang kwentuhan yun. Hahaha. Pero awkward, kasi naku-cute-an ako pag tinatawag niya ko niyan. Hahaha.

Jiggly Puff - eto yung unang tawag sakin ng best friend ko bago nag-evolve ng Bebs. Ang layo ng evolution no ? Hahaha. Pero di na niya ko tinatawag ng mga yan, thank you Lord. Hahaha. Yung Jiggly Puff, Pokemon ata yun, di ko sure. Yun yung kumakanta raw na Pokemon na pag kumakanta, nakakatulog yung mga nakikinig. Kasi yung boses ko raw, kabaliktaran, nakakapanggising. Hahaha. Kaya tinawag niya kong Jiggly Puff. Yung Bebs, may kwento rin yan na di ko na muna ikukwento ngayon. Pero dahil nasa relasyon ako ngayon, sinabihan ko siya na wag akong tawagin nun. Nakinig naman siya.. Hahaha.

E -eto medyo bago lang. Pauso din ng tropa kong POGItos. Hahaha. Ako ata nagpauso neto. Kasi minsan, tinatawag ko na lang sila sa first letter ng mga pangalan nila. Katams talaga. Hahaha. Kaya yun, tinatawag na rin nila akong E. 

So yan palang sila sa ngayon. Hindi ko alam, baka madadagdagan pa yan eh. Hahaha. Ngayon, ikaw, anong gusto mong itawag sakin ? :)

Ayoko na munang magsalita dito. Wala muna akong ikukwento. May something sakin. Basta. Eto na lang muna, para magka-idea kayo.



Yeah. Rock on.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko kanina (WOW, NAG-AAYOS AKO NG GAMIT ! :D), may nakita akong mga crumpled paper. Binuklat ko isa isa at nakita ko yung mga kalokohan ko nung last year lang. Mga rants, lyrics ng kanta, kabwisitan sa buhay, lahat-lahat. Pero may isang papel na sobrang natatawa ako nung nakita ko. Eto yung mga panahong grabe yung pagkabaliw pag-aadmire ko sa isang lalaki, na umabot na nga tuluyan na kong nahulog at minahal siya. Feeling ko, kilala niyo na siya. Hahaha. Gumawa ako ng sulat para sa kanya nun. Sulat-sulatan lang, kasi wala naman talaga akong balak ibigay yun sa kanya. Hahaha. Eto yung laman ng sulat:

                                                                                                      November 15, 2011

Dear Tooot,

          O, ginawan kita ng sulat. Wag kang mag-alala, di mo naman to mababasa. Hahaha. Hay. Alam mo ba, kalahating taon na kitang pinapantasya. Oo, pinapantasya, kasi hindi na lang kita crush eh. Kung pakikinggan mo nga yung tunog ng puso ko, maririnig mo pangalan mo eh. Hahaha. Habang tumatagal, lumalala na ko. Para kang yosi eh. Nakakaadik. Hahaha. Sa tingin ko, hindi naman ako magkakaganito kung di mo na lang rin ako pinansin eh. Kaso, bakit mo nga ba ako pinapansin ? Bakit mo ako pinapakilig ? Bakit mo pa kasi ako inaabakyan ? Bakit mo pa nirereplyan yung mga text ko ? Bakit ang sweet sweet mo pag katext kita ? Naguguluhan na kasi ako eh. Di ko alam kung may nararamdaman ka rin ba sakin o sadyang ganyan ka lang talaga. Ang hirap ! Hulog na hulog na ko sayo oh. Sabi ko nga, mahal na kita eh. At kahit thank you na may smiley lang ang nirereply mo sakin, okay na eh. Kasi kahit sabihin kong hindi ako umaasa, lolokohin ko lang sarili ko eh. Umaasa ako. Asang-asa, kung alam mo lang. Umaasa ako na may matatanggap na I love you too galing sayo. Kahit parang ang labo-labo. Kasi parang ang layo-layo ko pa rin sayo. Hindi naman ako napapagod mahalin ka eh. Napapagod akong umasa. Baka kasi wala ring patunguhan tong kagagahan ko. Baka niloloko ko lang sarili ko. Kaya diretsuhin mo na ako. Para kahit mahirap, makabangon na ko sa pagkakahulog ko. Medyo malayo pa yung aakyatin ko eh. Ang lalim kaya ng kinahulugan ko. Pero sa ngayon, alam kong di mo naman mababasa to, never say never pa rin ang drama ko. Sabi ng signs ko, magiging tayo raw. Naniniwala ako, kaya di ako titigil hangga't di mo sinasabing tumigil ako. Mamahalin kita ng mamahalin, bahala ka dyan. Hahaha.


Note: Tinago ko na yung pangalan niya dito. Sa sulat, buong pangalan pa niya nakalagay. Hahaha.

Walangya. Di na tumigil tawa ko. Hahaha. Napakadesperada ko pala nun. Buti na lang di mo nabasa to nuon. Buti na lang din, napunit ko na to sa likod ng notebook ko at walang nakakita nuon. Buti na lang talaga. Hahaha.

Naisip kong ipost to dahil special ang araw ko bukas na may kinalaman dito. Eksena lang. Hahaha :) Sorry, in love ako eh. Hahaha.

Hindi ko alam kung bakit may highlight yung ibang parts ng entries ko. Hindi ko sila ine-emphasize. Hahaha. Hindi ko alam kung paano tanggalin, kasi di ko rin alam kung bakit sila nagkakaganun. Hahaha. Anyways, eto yung soundtrip ko ngayon habang nagba-blog. Share ko lang. 


Ang pagkakaintindi ko sa kantang to, eh nagka-baby na sila nung partner niya. Parang yung kantang to, para sa magiging anak niya. Di ko alam kung tama ba yung pagkakaintindi ko ah. Hahaha. Pakitama na lang ako  kung mali. Bumabase lang ako sa lyrics eh. Hahaha. So yan, enjoy :)

Pinaniwala ko na yung sarili ko na mas okay ako pag konting lang yung alam ko. Mas okay nga sakin yung wala na lang talaga akong alam. Kasi, paraan na rin ng pag-iwas yun para sakin. Yun yung paniniwala ko, DATI. Kasi habang tumatagal, unti-unti kong narerealize na mali rin yung ganun. Mali rin na iwasan yung mga ganung bagay. Dapat inaalam sila, para kahit papaano, maging handa ka sa mga mangyayari. Dito pumapasok yung mga sikreto.


Hindi talaga ako open na tao. Hindi ako makwento sa sarili ko. Kaya napagkakamalan nila akong malihim, masikreto, ganun. Meron kasing mga bagay na hindi na dapat sinishare at tinatago lang sa sarili. Right to privacy nga. Pero kung magtatanong ka naman ng tungkol sa mga ganung bagay, hanggang may isasagot ako, sasagot ako. Gusto ko rin kasi baguhin yung tingin nila sakin na masikreto. Sasagot naman ako eh. May dalawang dahilan lang naman kung bakit di ako sumasagot, una, hindi ko ma-explain in words yung sagot, at pangalawa, hindi ko talaga alam yung isasagot. 

Hindi naman ako mapilit na tao. Kung ayaw mo sabihin sakin, e di wag. Pero, may hangganan din yan. Kung sa tropa mo, ikaw na lang yung hindi nakakaalam. Iba na yun. Yung out of the blue, may bigla silang sasabihin na, "Uy ! Si ganito pupunta ng Boracay!" Tapos ikaw, walang kaalam-alam. Yung nakakaasar pa eh, hihirit pa sila ng "Ay, hindi ba niya sinabi sayo ?" Letse. Ang pangit kaya ng feeling ng pinaglilihiman. Masakit kaya, sana alam nila yun. Parang, ang lagay sakin eh, hindi ba ko ganun kaimportante sa tropa para hindi sabihan nun ? Hindi ba ko ganun ka-trustworthy ? Ganun. Bilang pessimist na tao, puro negative na ang papasok sa isip ko niyan. Puro tanong ang maglalaro sa isip ko. Bakit hindi sinabi sakin ? May tinatago ba siya ? Madudugtungan pa yan ng madudugtungan hanggang may mga sagot na rin akong nako-conclude sa isip ko. Ang mas masakit pa dyan, yung pinaglihiman ka ng best friend o ka-relasyon mo. Mapapamura ka talaga. Sana alam nila na mas doble yung sakit pag sila yung gumagawa nun. Hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit kailangan nila akong paglihiman, kung ikakabuti ko ba yun, wala akong pakialam. Naglihim ka na eh. Yun yung mahirap tanggapin. Parang ang sarap sabihin sa mukha nila na, "Ay, lihiman ? Para san pang bestfriend/boyfriend/girlfriend mo ako kung maglilihiman na lang tayo ?". Pero di ko yan ginagawa. Ngingiti na lang ako, para wala ng sunod na tanong. "Hahaha. Okay lang yun.", kahit hindi naman talaga, para iwas gulo. Timpi timpi lang. Di ko na lang nilalabas yung inis at galit ko sa kanila, para iwas gulo. Masama raw kasi ako magalit. Kaya pinag-aralan kong magtimpi at huminahon. At yun, effective naman. Isa lang naman ang paraan na ginagamit ko para ilabas sila. Yun ay umiyak. Iyak na naman. Paulit-ulit-ulit na pag-iyak. Mas okay na yun, kasi walang ibang maapektuhan, ako lang. Walang mawawala. Kaysa pag nagalit ako, maraming pwedeng mawala.

Gaya ng sinabi ko kanina, kung ayaw nilang sabihin sakin, di wag. Kung gusto nila akong paglihiman, go lang. As long as kaya nilang itago yun sakin. Dahil pag ako may nalaman, kahit konting detalye lang, maghahanap ako ng paraan para malaman yun. 

Note: Wala akong pinanghuhugutan. Masaya ako ngayong araw na to. Nabuo na lang yan bigla sa utak ko habang nasa byahe pauwi. Naimpluwensiyahan lang ng soundtrip ko kanina tungkol sa secrets. Kung anong kanta yun, feeling ko alam niyo na. Hahaha.

Newer Posts Older Posts Home