Lahat naman ata tayo may mga kinaiinisang tao. Normal naman daw yun, sabi dun sa nabasa ko. Pero ewan ko kung normal pa yung sa akin. Kasi, seryoso, gusto ko na silang mamatay. Oo, winiwish ko na mamatay na sila, now na, ASAP. Ganyan kasama ang mindset ko sa mga taong ayaw ko. Gusto mo ng sample ? Sige, bigyan kita.
Etong taong to, okay naman kami nung una. Hindi kami close, okay lang. Hindi ko rin naman siya napapansin nuon. Ang alam ko lang, nag-eexists siya. Wala akong alam sa kanya, at wala rin naman akong paki sa kanya nun. Ganun lang ang treatment ko sa kanya. Pero, dumating yung time, na ipinakita na niya sakin yung tunay niyang kulay. Putsa. Hindi ako natuwa. Hindi ko alam na ganun siyang tao. Grabehan. Oo, nung ipinakita niya yung tunay niyang ugali, dun ko siya inayawan. Walang sisihan ah, pero binigyan niya ako ng dahilan para isipan siya ng mga ganyang bagay. OA na kung OA, pero once na ginalit mo ko, hindi na yun mawawala, lalo pa sa kanya, di ko naman siya kaibigan. Malabo ka na sakin pre. Kahit magsorry ka pa, wala na.
Naiinis ako na buhay pa rin siya. Naiinis ako na humihinga pa rin siya. Naiinis ako na sumasaya siya. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya. Naiinis ako tuwing naririnig ko boses niya. Naiinis ako tuwing nakikita ko siya sa Newsfeed ko. Naiinis ako na lahat ng mga gusto kong mangyaring masama sayo, hindi dumadating. Naiinis ako.
Hindi naman ako naiinis sa isang tao ng walang dahilan. At napakabihira nung mga dahilan ko para kaiinisan ang isang tao talaga. Kaso, kung nagawa mo yun, wag ka ng umasang gugustuhin pa kita pre.
Masama raw talaga akong magalit. Kung kaibigan o kakilala mo ako ngayong college lang, swerte ka. Kasi di pa ako nagagalit talaga. Yung mga nakikita lang nila, normal na pagkainis at pagkabadtrip ko lang yun. Kung kaibigan o kakilala mo ako nung high school pa, malamang, nakita mo na akong magtransform sa pagiging monster. Oo, monster kasi yung pagkakadescribe sakin ng best friend ko nung nagalit ako once. Pero wala akong idea kung pano ako magalit talaga. Kasi, nagdidilim ang paningin ko nun, at di ako nakakapag-isip ng tama. After mag-explode ng galit ko, hinihimatay ako. Kaya wala na akong naaalala na ginawa ko nun.
Pagkatapos nung huling nagalit ako, tinulungan ko yung sarili kong maging kalmado. Kung masama talaga akong magalit, dapat kong i-avoid na magalit. Kaya inaral ko talaga ang pagkontrol sa emotions ko, hinabaan ang pasensya at naging mas mature, lalo na sa pagharap sa mga taong kinaiinisan ko.
Para sa mga taong nakasama na sa "I want you to die" list ko, gusto kong humingi ng sorry, dahil hindi niyo na maalis yung galit ko sa inyo. Kung maalis man, eh milagro na yun. Sorry, kasi hindi ako titigil na magwish na mamatay na kayo. At yung huli, sorry dahil kung may mangyari man sa inyo, seryoso, matutuwa ako. Masama na kung masama, sorry ganyan talaga ako eh. Natural ng masama ugali ko, pinasama mo pa.
So mga parekoys,
Labels: masamang ugali

0 comments:
Post a Comment