Blogger Template by Blogcrowds

Ang dami kong gustong iblog. Ang daming ideas sa utak ko. Pero di ko sila mablog dahil ang dami kong ginagawa at inaasikaso. Siningit ko lang to, actually. Natatakot ako na baka wala na kong maiblog pag nagkafree time na ako. Hahaha. Sana balikan nila ako pag okay na at libre na. Hahaha. Anyways, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko kanina at narinig ulit yung kantang to. LSS ko na siya ngayon. Ayos rin yung kantang to sa panahon. Malamig. Tapos nag-iisa ka lang. Tapos maiisip mo yung mga problema mo sa buhay. Tapos pag pinakinggan mo to, gagaan pakiramdam mo, kasi aantukin ka at makakatulog ka ng maayos. Proven and tested na yan. Hahaha. Pero okay to. Try niyo lang pakinggan :)


Di ko rin masyadong gets yung meaning ng kantang to. Ang ganda lang kasi nung melody kaya ko pinapakinggan. Kung alam niyo, pakipaliwanag nga sakin. Hahaha.

"Pag nakakita ako ng lalaking nakat-shirt na may Dora The Explorer na print, magiging kami."
"Pag may nakita akong puting daga paggising ko, makakapasa ako sa finals."
"Pag biglang sumikat ang araw habanng umuulan ng malakas, magkakabalikan kami."

Paghingi ng signs. Yan yung pakikipagdeal ng mga certain na bagay sa sarili mo. Yung tipong pag hindi ka pa rin sure sa mga bagay-bagay, o kaya yung gusto mo lang na may patunguhan yung mga inaanticipate mo, humihingi ka ng sign. Di rin biro yung paghingi ng sign. Kasi di naman halos laging naibibigay yang mga yan. Maliban na lang kung sobrang dali yung sign na hinihingi mo. Haha. Pero syempre, iba yung saya pag nabigay yung sign na hiningi mo, kasi parang may assurance ka na na mangyayari yung gusto mong mangyari eh. 

Hindi ko alam kung bakit, pero masasabi kong ang lakas ko sa mga signs. Kasi halos lahat ng signs na hiningi ko, naibigay. Kumbaga, out of 10, 8 signs na ang nabigay sakin. Hindi rin naman ganun kadali yung mga signs na hinihingi ko. Meron nga kong hiningi na almost impossible talagang maibigay nung panahon na yun. Pero ibinigay yun, agad-agad. Nakakatuwa lang na lahat naman ng hiniling ko sa signs, nagkakatotoo. Sample ba ? Hahaha. Yung relationship ko ngayon, yung love life ko, galing siya sa sign. Haha. Sa pagkakaalala ko, apat na signs ang hiningi ko nun. Kasi hindi pa rin ako convince na magkakatotoo. Parang natripan ko lang yung unang sign. Eh binigay agad. So humingi ulit ako, nabigay na naman ! Dahil parang ang labo pa rin, medyo hinirapan ko na yung pangatlo at pang-apat. At yun nga, nabigay pa rin siya. Kaya yun, parang naniwala na nga ako. Pero di naman instant na paghingi mo ng sign, at pagkabigay, mangyayari na yung winish mo. Hindi rin. Tulad nung sample ko nga, hindi naman agad-agad na naging kami. Buwan din yung inantay ko. Nag-effort din ako nun, para mapalapit siya sakin, para magustuhan niya rin ako. Pangit din naman yung aasa lang sa sign. Dapat may gawin ka rin. 

Pero minsan, iniiwasan ko na ring humingi ng sign. Hindi rin kasi maganda yung puro ka na lang hingi ng sign, asa sa sign. Gaya nga ng sabi ko, kailangan may ginagawa ka rin para mangyari yung mga gusto mong mangyari. Kung gusto mong makapasa ng exam, mag-aral ka. Kung gusto mong maging kayo ng crush mo, mag-effort ka. Gumawa ka ng paraan para mapalapit siya sayo. Kung gusto mong makipagbalikan sa ex mo, sabihin mo sa kanya. Kung hindi man mangyari agad yung mga gusto mong mangyari, matuto kang maghintay. Sabi nga nila, better things come to those who wait. Wag ding maggive-up at wag matakot na magtry ulit, kasi miracles happen everyday. Malay mo, ngayon na mangyari yun, di ba ? Nasa sayo rin naman nakasalalay yung fate mo. Wag mong takasan at iasa sa signs. Pero di naman masama ang paghingi ng signs, kasi kung maibibigay yung sign mo, mamomotivate ka. Inspiration kumbaga. Kung hindi man mabigay, eh hayaan mo na, sign lang yun. Sabi ko nga, ikaw ang gagawa ng fate mo. Nasa sayo pa rin ang desisyon. 

Kaya ko biglang nakwento to dahil kahapon, sinubukan kong humingi ulit ng sign. After ilang buwan, tinry ko  ulit. Kakasabi ko lang ng sign ko, naibigay agad. Dalawang beses pa. Hahaha. Syempre medyo natuwa ako kasi hindi naman ako nag-expect na maibibigay agad. Isa lang din yung hiningi ko, dalawa pa yung binigay. Hahaha. Tapos ngayon, paggising ko, nangyari na yung winish ko. Ilang araw na rin kasi akong naghihintay ng solusyon sa problema ko, kaya nagtry ako ng sign. At yun nga, nangyari na nga ngayon. Hahaha :)

May nahanap ako na short film tungkol sa signs. Si Papa John Lloyd ang bida tsaka si Solenn Heusaff. Haha. Kaya kung gusto niyo panoorin, eto siya:


P.S. Yung mga signs sa simula, ilan lang yung sa signs na hiningi ko na ibinigay. Hahaha. 

HAYAAAAH ! Hahaha. Dahil wala pa kong magawa, at sobrang hyper na naman, dito muna ako. Hahaha. Kanina ko pa LSS to. Isa to sa mga kinanta ko kanina sa videoke.


Sorry kung masyadong in love yung kanta ko. Haha. Anyways, sana magustuhan niyo :)


Hindi naman ako nag-expect ng magandang araw ngayon. Ginugulo pa rin kasi ako nung problema kong hanggang ngayon, di pa rin tapos. Isabay pa yung school works. Yay. Pero sabi nga nila, pag kasama mo yung mga taong special sayo, gagaan at gagaan ang pakiramdam mo.


School works muna. Okay naman ang first period. Napilitang magrecite dahil gusto ng tropa ko na lahat kami magrecite. GC daw eh. Okay lang naman sakin, grade yun eh. Kaso ang di okay, yung pagtayo sa harap. Parang may fear na ko dun. Parang stage fright, ganun. Pero ayos naman yung pagtayo ko sa harap ng klase. Kahit medyo kinakabahan dahil biglaan ang pagrecite at walang gaanong alam sa nirerecite, di naman ako nasita ng Prof. Ayos. 

Second period. Eto yung malupit. Recitation ulit. Bunutan ng tanong. Grabe kaba ko nun. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Di ako nag-aral eh. Tatlong chapters kailangang aralin eh. Eh binasa ko lang. As in basa lang. Hindi ko inunawa. Asa lang sa stock knowledge. As if namang merong stock. Haha. Pero grabe, gusto ko ng iyakan yung magiging grade ko nun. So yun, nagsimula ng magrecitation. Inuna yung first row. Eh second row pa ko. Scan. Scan. Scan. Basa ng reviewer. Hanggang sa pinabunot na kami ng tanong. Dinasalan ko pa yung tanong ko nun. At pagkatawag sakin, nagsign of the cross bago buksan yung tanong ko. Pagkita ko sa tanong, yessssssss ! Alam ko yung sagot ! Hahaha. Although nagkulang ng isa, kasi enumerate chorva yung tanong ko, ayos na yung 90% na grade. Okay na yun, para sa taong di naman nag-aral. Haha. Pero, may pangit ding nangyari. Yung iba kong kaibigan na alam kong nag-aral, failed. Malungkot ako para sa kanila. Pero alam kong makakabawi sila. Matatalino yung mga yun. Kaya nilang bawiin yun.

Medyo relieved na. Nabawasan ng konti yung mga iniisip ko. Hanggang ayun. Balik ulit sa problema. At least ngayon, alam kong di na ako nag-iisa. 

Akala ko mahirap mag-isip ng positive. Pero pag galing pala sa taong mahal mo yung positive thoughts, magiging positive din ang tingin mo sa problema. Kaya eto ngayon, positive ang aura ko. Hahaha.

Pinili kong aliwin ang sarili. Sa tingin ko naman, yun din yung gusto niyang gawin nun. Nag-mall kami. At nung bored na, dapat uuwi na kami, kaso dahil walang jeep na dumadaan, tinamad na kong umuwi. Naglibot pa kami. Nilakad namin mula V. Mapa hanggang Recto. Nakakapagod ! Di ko yun ginagawa normally, pero dahil siya naman ang kasama ko, okay lang ! Hahaha. Nung pagod na, pumasok kami sa isang mall at nag-videoke. Masaya. Parang wala kaming problema. Actually, wala naman talaga. Hahaha. Sana. 

Medyo disappointed pa rin ako kasi wala pa rin siya. Although may solusyon na kung sakali, gusto ko pa ring umasang di na namin kailangang humantong sa solusyon na yun. Umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat. Magiging okay kami. Don't lose hope Epz ! :)

Eto yung panahon na dapat nag-aaral ako. Kasi may quiz/recitation bukas sa isa kong major subject. Kaso wala yung isip ko sa utak ko. Alam kong hindi ako tinatamad. Gumawa nga ako ng reviewer eh. Pero ewan. Parang wala akong gustong gawin ngayon kundi umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang wala na akong maramdaman. Hanggang mamanhid ako, at mapagod. Ilang araw na rin akong ganito. Tuliro. Wala sa huwisyo. Nung isang araw nga, sumakay ako ng FX at pumunta ng Megamall ng hindi ko alam kung bakit. Saka ko lang nalaman na mali ako ng nasakyan nung nandun na ko sa mall. Sinita pa ko ng driver dahil nakalimutan ko magbayad. Wala. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magkakaganito.

Ang dami kong iniisip. Ang daming pumapasok sa isip ko. Puro negative. Pessimist kasi ako. Ang hirap mag-isip ng positive ngayong alam mong hindi malabong mangyari yung mga iniisip mo. At ngayon, lahat ng iniisip ko, yung mga kinatatakutan kong mangyari sakin ngayon. Ayoko. Kino-convince ko ang sarili ko na magiging okay ang lahat. Bukas, sa makalawa, mawawala rin lahat ito. Pero ang hirap. Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong mag-isip ng positive.

Hindi to wala lang. Alam kong normal na kong nagkakaganito. Pero alam kong, iba to. Kung sakali, magiging malaking problema to. Kaya ako natatakot. Kinakabahan. Nadedepress. Ayoko. Wag. Please. Hindi ako handa. Ayoko. Ayoko.

Tama na muna siguro. Kailangan ko ng magpahinga. Itutulog na lang muna to. Baka bukas, iba na yung mangyari. I still hope na bukas, okay na. Hindi naman nakakapagod magwish na magiging okay na ang lahat. Sana.

Newer Posts Older Posts Home